^

PSN Showbiz

Mark, bibitbitin ng misis sa Amerika

SHOWBIZ - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mark, bibitbitin ng misis sa Amerika
Nicole Donesa.
STAR/ File

Nakatsikahan namin kahapon si Nicole Donesa, ang asawa ni Mark Herras sa libing ng ina ng common friend namin at nagulat kami na tila lalo siyang gumanda dahil ang laki ng ipinayat nito.

Todo work si Mark para sa kanyang pamilya, at mukhang okay na sila, at natapos na ang kanilang mga pinagdaanan.

Hinihintay na lang pala ang mga papeles ni Mark, at lilipad na sila ng Amerika.

Sa panahon ngayon na wala talagang katiyakan ang buhay natin dito, agree naman kami sa plano ng mag-asawa na doon na sa Amerika nila palakihin ang kanilang dalawang anak.

Hindi na idinetalye sa amin ni Nicole kung paano nila inayos ang papeles ni Mark pa-Amerika.

Pero hangad din naming matuloy na ito, dahil gusto na raw talaga ni Nicole na doon na sila.

Wala naman kasing problema kay Nicole at sa mga anak nila dahil American citizen sila.

Nakakatuwa dahil kasama naman pala si Mark, at hindi naman nila iiwan dito. Buo pa rin ang kanilang pamilya. “Alam mo na, Tito,” makahulugang tugon sa akin ni Nicole.

Miss World, may naganap na lutuan

Nag-trending sa X ang Miss World 2026 kahapon pagkatapos ng coronation nito na ginanap sa Vietnam noong Sabado ng gabi.

Sa simula pa lang ay tila inaalat na sila nang bumuhos ang malakas na ulan doon sa venue.

Ang daming nag-post na basa na ang ibang kandidata, at pinapayungan na lang ang judges.

Nagwagi ang candidate ng Dominican Republic na si Joheirry Mola Dominguez.

Ang pambato nating si Asia Rose Simpson ay umabot sa top 12.

Nasa top 2 rin siya ng Asia & Oceana, at marami pang kategoryang lumutang talaga siya.

Pero sabi ng mga expert na talagang tumutok sa naturang beauty competition, hindi raw nakakatuwa ang sobrang obvious na lutuan.

Ang daming nag-post ng isang judge roon na hindi namin nakuha ang pangalan. Pero obvious na taga-roon siya.

Ang daming nag-post ng video niyang todo cheer sa Miss World Vietnam, at may hawak pa siyang flag ng Vietnam na winawagayway.

Nakaka-off daw sabi ng ilang netizens, dahil ang pangit tingnan na nakikita ng ibang kandidata na merong pinapaboran ang isang judge.

May mga umaangal pang napupulitika raw ang naturang kumpetisyon.

Sabi ng isang pageant authority na hindi natuwa sa resulta ng naturang beauty competition, “I feel so bad for these girls who did their best but lost because of unfair and biased judging.”

Napag-alaman daw nila na maaga pa lang ay meron na raw talagang pinapaboran ang organizers at maaga raw nilang pinapunta roon sa Vietnam.

May nag-post din ng pagkadismaya ng organizer ng Miss World Sri Lanka.

Bahagi ng ipinost nila sa Missosology Sri Lanka, “POLITICS at Miss World is REAL.”

Sa totoo lang, ang ganda ng reputasyon noon ng mga titulong ito sa international competition, pero naging ka-cheap-an na ngayon dahil na rin sa paghawak ngayon ng organizers.

Abangan naman natin ngayon kung anong ka-cheap-an ang ikakalat ng Miss Universe.

Boyet, pinakamaraming classic film

Si Christopher de Leon ang may pinakaraming pelikulang ipalalabas sa 6th Philippine Film Industry Month o PFIM.

Nagbukas ito sa Red Carpet ng Shangri-La Plaza sa Mandaluyong noong Biyernes, at dinaluhan ito ng premyadong aktor.

Dumalo rin doon si Laurice Guillen na bahagi rin sa mga restored film na ipalalabas sa PFIM.

Present din doon ang Brocka family, at nagbigay ng mensahe bilang kinatawan ng pamilya ang grandniece ni Direk Lino Brocka na si Antonia Gabriella Brocka.

Dumalo rin si Sonia Roco, maybahay ni Raul Roco na producer ng CineManila Corporation.

Pinagkalooban ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairman and CEO Jose Javier Reyes sina Christopher, Raul, Antonia Gabriella at Sonia ng commemorative poster ng Tinimbang Ka Ngunit Kulang.

Ang FDCP ang punong-abala sa pagdiriwang ng 6th PFIM na ang tema ay Pelikula: Ginintuang Ikalawa (Philippine Cinema’s Second Golden Age).

Ang restored films na ito ay magkakaroon ng free screenings this month sa mga FDCP Cinematheque Centre sa Manila, Iloilo City, Davao City at Bacolod City ang anim na 1976 Filipino film classics.

Karamihan sa mga ipalalabas ay kasali si Boyet, kagaya ng Ganito Kami Noon... Paano Kayo Ngayon?, Tatlong Taong Walang Diyos at ang nasa opening na Tinimbang Ka Ngunit Kulang.

Mapapanood din ang Insiang, itim, Nunal sa Tubig at Minsa’y Isang Gamu-gamo.

Malaking karangalan para kay Christopher de Leon na dumalo sa Philippine premiere ng restored version ng Tinimbang Ka Ngunit Kulang.

Aniya bago ang screening, “This was like 1974, many moons ago! Dito sa pelikulang ito, ang pangalan ko, Cesar Blanco Jr. Ngayon po, ako na si Cesar Blanco Sr.

“Millennial pa ako niyan. Gen Z pa yata ako, 17. Ganun ba ‘yun? But I am so happy and talagang honored to be part of this great movie.

“This was my first movie. First of all, dito po ako nanalo ng first best actor award.

“And in this movie, I had to audition. I had to you know... I had to take up classes. Acting lessons. Breaking down scripts. Voice lessons.”

Noong panahong iyon ay ginagawa rin niya ang Godspell musical sa St. Paul University, at doon daw niya nakuha ang kaalaman sa acting, o pagiging aktor.

Pagpapatuloy ng Drama King of Philippine Movies, “So this was the start of my movie career, and my entertainment career. And I thank God for that. Maraming salamat sa Diyos at ginawa Niya akong... you know, I come from family of actors.

“But ‘yun na nga, salamat sa Diyos at ginawa Niya akong isang artista. At hanggang ngayon, patuloy pang gumagawa ng pelikula. Maraming salamat po sa inyo. Ang pelikulang ito ay makabuluhan. Ang tinatalakay ng pelikulang ito ay tungkol sa sort of hypocrisy of the society.

“Makikita ninyo sa isang eksena dito, ‘yung mga nagsisimba pero kapagka homily na, ‘yung mga lalaki, nasa labas, nagkukuwentuhan. ‘Yung mga babae, nagtsitsismisan.”

Marami pa talaga sa classic films natin na dapat talagang mapanood ng mga kabataan sa ngayon.

NICOLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with