^

Probinsiya

Shellfish ban sa Biliran Island, inalis na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Shellfish ban sa Biliran Island, inalis na
Ito ay makaraang tanggalin na ang shellfish ban sa baybayin ng nasabing isla nang makita sa laboratory tests mula sa shellfish samples na ligtas na sa “red tide” ang mga shellfish pro­ducts. Ligtas din umanong kainin ang alamang mula sa baybayin ng Biliran island.
STAR / File

MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na maaari na ulit kainin ang mga shellfish products mula sa baybayin ng Bi­liran Island.

Ito ay makaraang tanggalin na ang shellfish ban sa baybayin ng nasabing isla nang makita sa laboratory tests mula sa shellfish samples na ligtas na sa “red tide” ang mga shellfish pro­ducts. Ligtas din umanong kainin ang alamang mula sa baybayin ng Biliran island.

Samantala, nananatili namang ipinaiiral ang shellfish ban sa Matarinao Bay sa  Eastern Samar na kapapalooban ng mga baybayin ng General MacArthur, Quinapondan, Hernani at Salcedo na positibo pa sa red tide ang natu­rang mga baybayin.

Dulot nito, bawal ang paghango, pagbebenta, pagbili at pagkain ng shellfish products mula sa Matarinao Bay.

Kapag nakain ang shellfish na may red tide, maaaring magsuka, sumakit ang kalamnan at magtae na maaaring ma­ging sanhi ng kamatayan nito.

SHELLFISH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with