^

Police Metro

11-anyos umigib sa ilog, nalunod

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang isang batang lalaki nang malunod sa pag-igib ng tubig sa kalapit na ilog sa Tanay, Rizal, Huwebes ng hapon. Ang nasawing biktima ay isang 11-anyos na Grade 6 student, residente ng Sitio Waray, Barangay Plaza Aldea, Tanay.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, alas-11:00 ng umaga ay nagpaalam ang biktima sa kanyang ina na mag-iigib ng tubig sa kalapit na ilog kasama ang isang kaibigan.

Bandang alas-3:10 ng hapon nang humingi ng saklolo ang 18-anyos na si alyas “Jomar” sa ama ng biktima hinggil sa nalulunod ito. Naiahon ang biktima at dinala ospital, subalit idineklarang dead-on-arrival.

NALUNOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with