End of the world na ba?

Parang malapit na talaga ang end of the world.
Grabe ang baha kahapon sa buong Metro Manila.
Bumabaha naman noon pa, pero parang iba ito.
‘Yung EDSA na dating hindi tinutubig, ngayon binabaha na rin.
Dahil baha, automatic na traffic. Parang galit na galit ang langit sa lakas nang buhos ng ulan.
Kaya ‘wag nating kalimutan ang mga humarbat at nagnakaw ng pera para sa flood control projects.
Sana ay magising na tayong lahat at gamitin ang utak sa pagboto. ‘Wag naman sanang basta na lang natin i-charge to experience ang mga nangyari dahil ang buong bayan ang nagdurusa.
Lunes na Lunes pa kahapon at Balanghai Awards Night ng Cinemalaya 22. May mga kakilala akong hindi na nakadalo dahil bahang-baha ang lugar nila at walang madaanan. Halos pitong oras na sila sa daan, pero hindi nakarating ng Shangri-La Plaza.
Ibang-iba na ang Maynila ngayon na pinapangarap noon ng mga nasa probinsiya na puntahan.
Grabe ang pagbaha, may dagat ng basura, daming lubak sa mga kalsada, etc. habang iniimbestigahan ang confidential funds ni Vice President Sara Duterte.
Ano na nga bang kapalaran ng ating bayan?
Sabagay, hindi lang naman sa Pilipinas bumabaha.
Ang Japan, kahit sa Europe bumabaha na. Climate change is real nga.
- Latest


























