‘Mukhang natrabaho’ – Ombudsman

Sa piyansa ni Bong Revilla
MANILA, Philippines — Nagdududa si Ombdusman Jesus Crispin Remulla na mukhang natrabaho kung kaya nakapagpiyansa si dating Senador Ramon “Bong” Revilla na nahaharap sa kasong malversation kaugnay ng P92.8 milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
Ito ay matapos na payagan ng Sandiganbayan na makapag-piyansa si Revilla ng P1-milyon makaraang mabigo umano ang prosekusyon na magpakita ng matibay na ebidensya ng pagkakasala ng dating Senador sa nasabing kaso.
Hindi naman pinayagan ng Sandiganbayan na makapagpiyansa ang kapwa akusado ni Revilla na sina dating DPWH Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez, at lima pang iba kaugnay ng kaso.
Sinabi ni Remulla na alam na nila na aaprubahan ng graft court ang bail petition ni Revilla.
“We predicted this to happen. Alam naman namin ito, meron talaga mangyayari na mukhang natrabaho, na magkaroon ng grant of bail,” ayon kay Remulla
“It’s just part of the battle. Alam mo, we are fighting a big war, Its just one battle and in that battle, iba ‘yung naging desisyon. It’s an eye opener that we have to fight harder for this battle, for us to win the war against corruption.Kami sa Ombudsman, we raised the standard of reasonable certainty of conviction before we file a case. Hindi weaponized ang trabaho namin, its evidence-based, “pahayag ni Remulla.
Si Revilla ay nakalabas na ng QC Male Dormitory sa Payatas Quezon City nang magpiyansa para sa pansamantalang kalayaan nito.
- Latest



















