‘P5K hitman’ ni VP Sara nakakasira sa imahe ng Pinas - Cong. Barbers
MANILA, Philippines — Nakakasira umano sa imahe ng bansa habang isang puntos naman ito laban kay Vice President Sara Duterte sa kaso nito sa Senate impeachment court ang pahayag nito na ang karahasan gamit ang armas sa Pilipinas ay maaring mag-hire ng hitman sa halagang P 5,000.
Ito ang inihayag ni House impeachment adviser at Spokesman Robert “Ace “ Barbers nang kunan ng komento sa P5,000 gunman na sinabi ni VP Sara sa panayam dito ng mga reporters sa The Hague, Netherlands.
Sinabi ni Barbers, dating Kongresista ng Surigao del Norte na matindi ang epekto nito sa imahe ng Pilipinas na nasisira sa mga dayuhang mamumuhuan at maging bilang destinasyon ng mga turista.
“Nagulat ako coming from the Vice President sa panahon na nagkaroon ng paglitis sa kanyang utterances of grave threats sa unang artikulo (Article of Impeachment). Parang kinumpirma niya na may kilala siyang gunman at alam niya ang presyo,” saad ni Barbers sa kontrobersyal na pahayag ni VP Sara.
Inihayag ni Barbers na dahil sa sinabi ni VP Sara ang kontrobersiyal na P5K gunman sa The Netherlands ay naglagay ito sa masamang imahe ng Pilipinas sa international community pero sa kabila nito ay nagbibigay naman ito ng larawan na totoo na may kontrata sa hitman sa Pilipinas dahilan alam niya ang presyo lalo na umano ang alegasyon na kinakaharap ng Bise Presidente sa Senate impeachment court.
- Latest















