^

Police Metro

Kelot itinumba ng ridin-in-tandem

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay ang isang 22-anyos na lalaki matapos na ito ay pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nakatayo, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Ang nasawi na nagtamo ng limang tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Mark Anthony Marcos, ng Brgy. Pasong Tamo, ng lungsod.

Sa ulat, alas-12:40 ng madaling araw ay nakatayo ang biktima kasama ang isang alyas “Gelo” sa San Roque, Pingkian I, Brgy. Pasong Tamo nang sumulpot ang riding-in-tandem at walang kaabog-abog na pagbabarilin ang biktima.

Nakuha sa crime scene ng SOCO Team mula sa QCPDFU ang limang basyo ng bala ng baril.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo sa krimen.

RIDIN-IN-TANDEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with