^

PSN Showbiz

Daniel at Kathryn may reunion movie?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Daniel at Kathryn may reunion movie?!
Kathryn Bernard at Daniel Padilla.
STAR/ File

Pero tinatamad na raw umarte

May nilulutong reunion movie para kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

At ang naka-assign diumano na kumumbinsi kay Kathryn, si Direk Cathy Garcia-Sampana.

As of the moment ay malabo pa raw kasing mangyari ang nasabing reunion project ng reel and real loveteam.

Pero pakiramdam daw ng mga taong nakatrabaho na nila ay mas madaling mapapayag si Daniel.

Huling pelikula ng KathNiel ang The Hows of Us noong 2018 habang sa teleserye ay 2 Good 2 Be True ang last project nila.

Tinatamad na raw kasi si Kathryn na mag-showbiz sa kasalukuyan. In fact, ito nga raw Someone, Someday nila nina James Reid and Maja Salvador ang tagal bago natapos ang taping.

At ngayong eere na ito, kahit sa pagpo-promote ay parang tinatamad na raw ang actress.

Sa ginanap nga raw nitong motorcade kamakailan, sandali lang si Kathryn kumaway-kaway at umalis na raw kaagad.

Pinagalitan pa nga raw ang mga staff ng executive ng ABS-CBN at tinatanong kung bakit daw pinayagan si Kathryn na umalis.

Katuwiran naman daw ng mga staff, nagmamadali umanong umuwi ang actress.

Parang burned out na raw actually si Kathryn base sa obserbasyon  ng isang nagkuwento tungkol sa attitude ni Kathryn sa kasalukuyan.

Kahit daw si Daniel ay mas gusto na lang ngayong magnegosyo. Nagtayo raw ito ng sariling kumpanya at ngayon ay nag-uumpisa nang makipagsosyo. At naghahanap daw ito ng mga pwedeng bilhing mga property.

Tulad ni Kathryn, parang tinatamad na rin daw si Daniel na mag-teleserye.

Pero ang pagkakaiba lang nila, si Kathryn ay very low-key pa ang relasyon sa pulitikong si Mayor Mark Alcala habang si Daniel ay very proud sa relasyon nila ni Kaila Estrada.

DANIEL

KATH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with