^

PSN Showbiz

Jericho, ‘di makalimutan ang India

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Jericho, ‘di makalimutan ang India
Jericho Rosales at Janine Gutierrez

Living the dream era ang peg ni Jericho Rosales sa kasalukuyan.

Ito ay matapos ang kanyang biyahe sa Mumbai, India.

“Thank you, Mumbai! I won’t forget you,” ang huling post ni Jericho na kinilig kay Matt Damon nang sabihin nitong “hopefully we work together.”

“I died when he said that.

“I will support this man forever. God bless you, Matt Damon! THANK YOU.

“You don’t know what that means to me

“Christopher Nolan’s @theodysseymovie opens in cinemas here in the Philippines on July 15!” kasabay ng pagpo-promote niya sa pelikula.

Andun din that time si Tom Holland.

Samantala, nanguna sa listahan ng most watched series sa Prime Video Philippines simula noong Sabado (Hulyo 12) ang suspense thriller na The Loyalty Game ng ABS-CBN Studios at Prime Video na pinagbibidahan nina Jericho at Janine Gutierrez.

 Kapit na kapit nga ang viewers ng serye sa Pilipinas maging sa ibang bansa dahil kabilang din ang serye sa listahan ng most-watched show sa Prime Video sa UAE. Labis din ang pagbuhos ng reaksyon ng viewers online tungkol sa bawat episode nito lalo pa at unti-unting nabubunyag ang mga sikreto ng bawat karakter.

 Sa nakaraang episode, muling ipinatigil ni Ana (Janine Gutierrez) si Beth (Sofia Andres) sa pagsasagawa ng paglo-loyalty test kay Ben (Jericho Rosales) dahil naniniwala siyang hindi siya niloloko ng kanyang asawa sa kabila ng mga kahina-hinalang kilos nito.

Mas tinuon na lang ni Ana ang kanyang sarili sa pagsuporta sa asawang si Ben matapos itong mapagbintangan na pumatay kay Antonio (Bernard Palanca). Kalaunan ay lumabas na si Nathalie ang nasa likod ng pagpatay. Nakatulong din ang pangyayari kay Ben lalo pa at nabunyag ni Antonio ang lihim na pagkikita nila ni Mara (Yassi Pressman).

Samantala, ibinahagi nina Janine at Jericho na hindi naging madali sa kanilang isabuhay ang kanilang mga karakter sa serye.

 Ani ni Janine, “Throughout the script, nare-reveal sa akin ‘yung important things about her. Grateful talaga ako kay Direk Mae because she really helped me find Ana.”

 “The character scared me. I think gray characters are the most interesting characters to play,” ayon naman kay Jericho.

Napapanood ang bagong episodes ng The Loyalty Game tuwing Biyernes, eksklusibo sa Prime Video.

JERICHO ROSALES

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with