Black Eagle ililipad ang 3rd Leg Hopeful crown
MANILA, Philippines — Magtatagisan ng bilis ang anim na nagsaad ng pagsali sa 2026 PHILRACOM “3rd Leg Hopeful Stakes Race” na ilalarga sa darating na Linggo sa pista ng Philippine Jockey Club sa Padre Garcia, Batangas.
Kasama sa nagpalista ang Road to Triple Crown winner Black Eagle na gagabayan ni jockey Conrad P. Henson, makakatagisan niya ng bilis ang Calling Dexter, Confidence Surge, Little Bitty Boy, Rapido at Yani Yana Lass.
Posibleng magbigay ng magandang laban ang Rapido na sasakyan ni reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez.
“May galing ‘yung Rapido tapos star jockey ang magdadala, tingin ko malaki ang tsansa niyang manalo,” sabi ni Bernard Pamintuan, veteran karerista.
May distansyang 2,000 meter race ang karerang nakalaan ang tumataginting na P1.5-M guaranteed prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.
Suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM), hahamigin ng mananalong kabayo ang P900,000, mapupunta sa pangalawa ang P337,500 habang P187,500 at P75,000 ang third at fourth placers, ayon sa pagkakasunod.
- Latest





















