^

PSN Palaro

Eala target higitan Wimbledon run

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala target higitan Wimbledon run
Alex Eala.
AlexEala Facebook photo

MANILA, Philippines — Sa kabila ng tagumpay sa Wimbledon Championships, walang balak si Alex Eala na tumigil at huminto sa ginagawa nito.

Sa halip, mas lalo pa itong naging uhaw sa mas mataas na tagumpay na makamit sa mga susunod na torneong lalahukan nito partikular na sa mga Grand Slam events.

Umabot si Eala sa fourth round ng Wimbledon — ang pinakamataas na puwestong nakamit nito sa isang Grand Slam tournament.

“My previous result in Wimbledon is my best result in a Grand Slam. It’s the highlight of my career so far. It motivates me to work harder. I’m even more ambitious now I’m even more hungry,” ani Eala.

Kaya naman desidido ang 21-anyos Pinay netter na mas lalo pang kumayod ng husto upang malampa­san ang kanyang narating sa Wimbledon.

Dala ni Eala ang mantra na ‘kapag lumago hindi na hihinto’ na humatak ng atensiyon hindi lamang sa mga Pinoy fans kundi sa mga foreign tennis analysts.

“The whole idea of ‘kapag lumago hindi na hihinto’ it resonates so well with this moment in my career because I feel like the seeds have planted. More than it correlating to results, it refers more to the dream that I have,” paliwanag ni Eala.

Noong  bata, marami na itong pangarap sa bu­hay. Isa na rito ang makapag­laro sa isang Grand Slam event.

Ngayong natupad na ang pangarap na ito ni Eala, nais nitong hamunin pa ang kanyang kakayahan na maabot ang mas mataas na tagumpay.

“I’ve always been a very ambitious girl gro­wing up. I always have big dreams. Now that I got a glimpse of what it’s like to live them out, those dreams get bigger and bigger and I think it’s a great thing when it’s backed up with hardwork,” ani Eala.

Asahang mas magiging mabagsik si Eala sa mga susunod na torneong lalahukan nito upang makamit ang minimithing tagumpay para sa Pilipinas.

Nakatakdang magtu­ngo si Eala sa Amerika para paghandaan ang pagsabak nito sa US Open na magsisimula sa susunod na buwan.

SPORTS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with