^

PSN Palaro

NLEX ‘di bibitaw sa liderato

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
NLEX ‘di bibitaw sa liderato
Lalabanan ng Road Warriors ang Titan Ultra Giant Risers ngayong alas-5:15 ng hapon kasunod ang pagsagupa ng Beermen sa guest team Macau Giant Pandas sa alas-7:30 ng gabi.

MANILA, Philippines — Ang ikatlong sunod na panalo ang target ng NLEX, habang sisimulan ng San Miguel ang kanilang kampanya sa PBA Season 50 Governors’ Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.

Lalabanan ng Road Warriors ang Titan Ultra Giant Risers ngayong alas-5:15 ng hapon kasunod ang pagsagupa ng Beermen sa guest team Macau Giant Pandas sa alas-7:30 ng gabi.

Magkasunod na panalo ang inilista ng NLEX sa Group A matapos ang 114-75 pagbugbog sa Macau (0-1) at 101-100 paglusot sa Terrafirma (1-1).

Sa kabila nito ay kailangan pa ring magtrabaho nang husto ang Road Warriors, ayon kay coach Jimmy Alapag.

“I think it showed that we still have a lot of work to be done. I said it the last game, malayo pa. There’s still so much season left,” sabi ni Alapag na muling aasa kina balik-import DeQuan Jones, Robert Bolick, Schonny Winston, JB Bahio at Tony Semerad.

Nagmula ang import-less Giant Risers sa 100-113 kabiguan sa Dyip at sa 74-105 pagyukod sa Converge FiberXers (1-0).

Isasalang ng Titan Ultra si original import Tirrell Brown matapos mabigo si James Milton na makakuha ng FIBA clearance.

Samantala, ipaparada ng San Miguel si dating Blackwater import George King sa pagharap sa Macau.

Gusto ng Beermen na makabawi matapos masibak ng Rain or Shine Elasto Painters sa quarterfinals ng nakaraang PBA Commissioner’s Cup na pinagha­rian ng Barangay Ginebra kasama si resident import Justin Brownlee.

Hangad ng Giant Pandas na makabangon mula sa 75-114 pagkatalo sa Road Warriors sa kanilang unang laro.

SPORTS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with