Barbie, magtitipid sa birthday!

Kamakailan ay mainit na pinag-usapan sa social media ang mga larawan ni Barbie Forteza na naka-wedding gown.
Sa Instagram post ng aktres ay may caption pa ang mga larawan na ‘I’ve waited for this for so long. Nobody can ruin my big day. ’ Nagkaroon tuloy ng mga espekulasyon ang mga netizens na posibleng nagpakasal na ang aktres at ang kasintahang si Khalil Ramos.
Ngayon ay natuldukan na ang haka-haka ng mga tagahanga dahil kuha pala ang mga larawan mula sa pelikulang Saving Cherry na pinagbibidahan ni Barbie. Mapapanood na sa mga sinehan simula September 2 ang naturang proyekto. “Mukha lang immaculate ‘yung photos na pinost ko pero it’s going to be a wild movie. Kaya abangan n’yo po ‘yan,” masayang paglalahad ni Barbie sa 24 Oras.
Sa July 31ay ipagdiriwang ng dalaga ang kanyang ika-29 na kaarawan. Mayroon ng mga plano si Barbie kung paano ang gagawing selebrasyon para sa kanyang espesyal na araw. “Matutulog, yes, I’m gonna sleep. Pero so far family dinner pa lang ang plans. Parati namang simple taun-taon kasi nga nagtitipid. Kasi nga gusto ko ay simple lang. Kasi naman ang buhay magarbo na eh thankfully. So ‘pag ganyang special occasion gusto ko intimate lang, mas simple lang,” paliwanag ng Kapuso actress.
Samantala, magbibida rin si Barbie kasama si Sharon Cuneta sa Honor Thy Mother mula sa GMA, ABS-CBN at Prime Video. Kabilang din sa naturang serye sina John Estrada, Tonton Gutierrez, RK Bagatsing, Mercedes Cabral, Khalil Ramos, at marami pang iba.
Julie Anne, excited bumalik sa pagko-coach
Hindi pa man tapos ang pagiging The Clash Teens Master ay pinaghahandaan na ni Julie Anne San Jose ang pagbabalik ng The Voice Kids. Muling sasalang ang aktres sa revolving chair bilang isa sa mga Coach ng nagbabalik na reality talent search. “Not sure kung kailan mangyayari ‘yung blind audition but I think very soon. Since medyo pa-halfway na rin kami sa The Clash Teens. But so far, it’s been a busy journey for me ngayon. And I’m happy about it,” nakangiting pahayag ni Julie Anne.
Ayon sa Kapuso actress ay excited din siyang makatrabaho ang ilan pang Coach ng The Voice Kids ngayon. Malaki umano ang paghanga ni Julie Anne sa mga makakasama sa programa. “Oh my gosh! Wow! Gano’n ‘yung reaction ko. Kasi first time ko I think makakatrabaho ‘yung ilan sa kanila. First time kong makakatrabaho sa isang show. Although we’ve known each other for a long time already. Since maliit lang naman ang industry kaya nagkikita-kita kami ‘pag events, collaborations. But I don’t know how they are pagdating sa mentoring. Or sa agawan ng mga bata or sa revolving chair. So ako, I’m super, duper excited and looking forward for the season,” pagbabahagi ng dalaga. — Reports from JCC
- Latest





















