^

Pang Movies

Female star, walang awa sa driver

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Loaded sa showbiz commitments ang isang sikat na female star. Bibidahin kasi kaya hindi nawawalan ng projects!

Kung minsan, umuuwi ng past midnight at umaalis para sa next schedule ng wala pang alas-otso ng umaga.

Hindi niya alam na apektado sa schedules niya ang kanyang driver na kasama buong araw.

Eh bukod sa driving, naging errand boy pa niya ang driver. At may iba pang errands na inuutos!

Kaya ang pobreng driver ayon sa aming source eh madalas nakaw ang tulog dahil maya’t maya eh hanap siya ng female star!

Ano ba tawag sa taong ganun, SA?

Nadine, sa Siargao at France papakasal!

Concerned si Nadine Lustre sa nangyayaring pagbabago sa Siargao lalo ngayong isa na ito sa probinsiya na puntahan ng local at foreign tourists dahil sa beach at tahimik na lugar.

May business sa Siargao si Nadine at isang buwan sila ni Alden Richards doon taping for Love, Siargao series.

Gusto kasi ni Nadine na mapanatili ang pagiging malinis at tahimik ng Siargao. Gusto rin niyang ang mga pumupunta roon eh concerned sa lugar at mapanatili ang pagiging malinis nito.

Eh nang matanong namin na kung sakaling magpakasal sa boyfriend, gusto ba niyang sa Siargao magpakasal?

“Hindi pa namin naiisip ‘yang kasal. Gusto ko pakasal sa Siargao at sa France dahil half French ang boyfriend ko para makasama niya ang relatives and friends niya roon,” sambit ni Nadine.

NADINE LUSTRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with