Kaba ni Atasha, ‘Di nahalata!

Ang lola ni Atasha Muhlach, si Elvie Gonzales, ang kasama ni Atasha, sa ginanap na media conference para sa Bongga Ka ‘Day: The Annie Batungbakal Musical kahapon.
Ipinakilala na nga ang buong cast ng BKD: The Annie Batungbakal Musical kahapon.
Sabi ni Tita Elvie, mommy ni Charlene Gonzalez, kabadung-kabado si Atasha bago pumunta sa nasabing media conference dahil for the first time ay kakanta siya nang live.
In fact, hindi raw halos makatulog ang kanyang apo na kakambal ni Andres Muhlach.
Pero hindi naramdaman ng mga nandun sa presscon na kabado si Atasha. Ang galing niya at very confident sa mga pa-sample kahapon ng kanta ng grupong Hotdog.
Todo-suporta nga ang pamilya Muhlach sa pagbabalik-teatro ni Atasha na nakatakdang mapanood sa Newport Performing Arts Theater sa September.
Actually, full circle kung i-describe ng kakambal ni Andres ang nasabing performance dahil matatandaang nag-debut na siya sa stage noong 2011, sa edad na siyam, bilang Brigitta von Trapp sa The Sound of Music na sa Newport din ipinalabas.
“Even walking back onto that stage, even while filming content for this production, already felt emotional and heartwarming. It really brought tears of joy. I felt so grateful to be here, to be given this opportunity, and to be able to perform again in the place where it all started, it’s truly an amazing experience,” sabi niya.
Mahigit three hundred auditionees ang nakasabay ng dalaga nina Aga at Charlene para sa coveted role sa Bongga Ka ‘Day!…
Si Annie ay isang creative, spirited, generous at lovable na babae in her early 20s. May pagka-naive na dispatsadora ng House of Pasion, nangangarap siya na maging fashion designer kaya’t sasali sa Coco Banana circle pero hindi matatanggap dahil sa kawalan ng authenticity.
Kwento ni Atasha, ilang buwan din siyang naghanda para sa audition, kabilang na ang workshops sa pagsasayaw, pagkanta at pagre-research para lubos na maintindihan ang karakter ni Annie mula sa iconic ’70s hit ng grupong Hotdog.
Grabe nga raw ang kaba niya noong callback dahil bukod sa naroon na ang isa sa leading men niyang si Sam Concepcion, kinailangan niyang aralin ang isang dance routine on the spot.
At dahil nauna rito ay nag-debut din si Andres sa stage via Bagets The Musical.
Kaya ang message sa kanya ni Andres: “Ang sabi lang ni Andres, ‘kaya mo ’yan.’”
Dagdag niya, “So siyempre naman with him being my twin brother, growing up with him, just with him saying ‘kaya mo yan,’ it makes me feel good knowing that he has confidence in me knowing that ‘you can do this.’ It’s a short way of saying ‘we got your back’ regardless, whatever it is you may need in terms of help along the way or support, we’re here.”
“Kaya mo ‘yan” din daw ang words of encouragement ni Aga sa kanya habang ang mommy naman niyang si Charlene, nag-congratulate agad at nag-sabing proudest sila of their unica hija.
“They said it’s not gonna be easy, just like anything in life, but promise yourself, you have to work as hard to the best of your abilities,” saad pa ni Ata-sha.
Samantala, aminado ang dalaga na may pressure siyang nararamdaman lalo pa nga’t identified ang papel ni Annie Batungbakal sa yumaong Superstar at National Artist na si Nora Aunor, na nagbida sa Maryo J. delos Reyes musical comedy film noong 1979.
Kaya ipinangako raw niya sa sarili na ibibigay ang 100 percent sa proyekto. “But what I can promise and I can assure myself is that I will give it my best. I will give it my best with all the resources provided, the material given, I will study that everyday and all the sacrifices will be made just for this project,” diin niya.
Kasama nina Atasha at Sam sina KD Estrada (wala sa presscon kahapon), Jeff Moses, Anthony Rosaldo, Jackie Lou Blanco, Ring Antonio, John “Sweet” Lapus, Dindo DIvinagracia at marami pang iba sa ilalim ng direksyon ni Chris Millado.
- Latest




















