^

PM Sports

Canino ‘blessed’ na mapasama sa Alas

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Masaya si Angel Canino ng De La Salle University na muli itong makapagsusuot ng national team jersey matapos mapasama sa listahan ng mga maglalaro sa Asian Games sa Setyembre sa Nagoya, Japan.

Kasama ang UAAP MVP sa 22 players na pinanga­lanan ng Philippine Olympic Committee (POC) para ma­ging bahagi ng Alas Pilipinas sa Asian Games.

“I’m super grateful. Sobrang blessed ako na paglabas ng lineup I was part of it,” ani Canino.

Umaasa si Canino na magiging maayos na ang lagay ng Philippine volleyball sa bansa kung saan nanawagan ito ng pagkakaisa upang mas lalo pang umunlad ang programa para sa sport.

“Hopefully lahat ng mga mangyayari when it comes to Asian Games, hopefully mag in line ang bawat isa. Hopefully maging supportive tayo sa bawat isa,” dagdag pa ni Canino.

Hindi ito ang unang pagkakataon na masisilayan si Canino suot ang national team jersey dahil naglaro na rin ito sa mga nakalipas na torneo, partikular na sa 2025 Southeast Asian Games sa Thailand.

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with