Angel, gustong mag-grow

Kaisa-isang anak si Angel Castro (dating Claire Castro ng Sparkle GMA Artist) ng dating actors couple na sina Diego Castro at Raven Villanueva at unang apo ng namayapa nang veteran journalists and broadcasters na sina Angelo Castro at June Keithley.
Pero matagal nang hiwalay sina Diego at Raven at may kani-kanila na rin silang ibang pamilya ngayon habang mag-isa namang namumuhay on her own si Angel na pinakabagong VMX star at bagong talent ng Viva Artists Agency (VAA).
Ayon kay Angela, hindi umano siya nag-grow bilang actress sa bakuran ng Sparkle kaya nagdesisyon siyang lumipat ng VAA kasabay ng pagpapalit ng kanyang screen name to her real name at pagbabago ng kanyang image.
Kasal ni Vanness, pinag-interesan ng mga Pinoy
Muling nabuhay ang Pinoy fandom ng sikat na Taiwanese boyband na F4 (minus Ken Chu) sa one-night sold-out concert sa Philippine Arena (Bulacan) nung nakaraang Sabado, June 27, 2026, na bahagi ng kanilang ongoing F Forever 1st World Tour kasama ang frontman ng Taiwan’s rock band na Mayday na si Ashin.
Although may kani-kanya nang respective solo careers ang F4 na nabuwag nung 2009, hindi pa rin nawawala ang pananabik sa kanila ng kanilang fans. Ang iba pang mga bansa na kanilang pupuntahan ay ang Chongquing, Bangkok, Singapore, Jakarta, Kuala Lumpur at iba pa.
Samantala, nakapukaw ng interest sa F4 fans sa Pilipinas (maging sa ibang bansa) ang pagpu-post ng isa sa mga miyembro na si Vanness Wu ng isang black and white photo ng dalawang kamay na magkahawak suot ang identical wedding bands kasama ang madamdamin niyang mensahe.
Taong 2018 pa hiwalay ang Taiwanese-American na si Vanness sa kanyang Singaporean socialite and heiress ex-wife na si Arissa Cheo. It took eight years bago muling nag-asawa ang dating F4 member sa katauhan ng London-educated Japanese singer na si Emi Aramaki (47) na isinilang sa Fukuoka, Japan pero umalis patungong London sa edad na siyam na taong gulang. Sa London na siya nagtapos ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo.
Although nung nakaraang May pa ikinasal sina Vanness at Emi, nanatili ang pagiging pribado ng dalawa at hindi nila ito sini-share sa kanilang magkahiwalay na social media accounts. Pero kinumpirma ng label ni Vanness, ang B’in Music na muling nagpakasal si Vanness sa kanyang second wife pero humihingi ang couple ng privacy na dapat daw irespeto.
Sina Vanness at Emi ay nagpakasal sa Las Vegas, Nevada nito lamang nakaraang May 2026.
- Latest





















