^

Police Metro

2 obrero nilamon ng lupa

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawa sa limang construction worker na nilamon ng lupa ang nasawi nang lamunin ng 18-metrong lalim na hukay sa isang water pipeline project sa Barangay Pamplona II, Las Piñas City, nitong Linggo ng hapon.

Unang nailigtas ng rescue teams, alas-4:30 ng hapon ang tatlo sa Aqua­rius St., habang ang dalawa pang na-trap ay patay na nang makuha sa hukay nitong Lunes.

“Yung dalawa na wor­ker nag-survive naman po. Hindi naman agad na-trap. Then ‘yung isa po dinala po sa ospital. Sugatan po siya. Then meron po remaining two na na-trap but ito po naman na-recover. Mga sinawing palad na po ito, sir. Dalawa po ang patay dito, sir, sa insidenteng ito,” wika ni Las Piñas City Police assistant police chief for operations, Lt. Colonel Teoson Rosarito.

Kinumpirma rin ni Bureau of Fire Protection (BFP)-Las Piñas City Fire Marshal, Supt. Sonny Carlo ang dalawang biktima ay wala ng buhay nang makuha, alas-6:30 ng umaga ng Lunes.

Kinumpirma ng Maynilad na sinuspinde na nila kaagad ang paghuhukay dahil sa insidente at nakipag-ugnayan din sa BFP, local disaster response unit at barangay na nakasasakop sa lugar.

Naapektuhan din ang water services sa lugar na konektado sa nasabing pipeline.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with