Rabin, naaksidente sa insayo

MANILA, Philippines — Medyo ok na raw si Rabin Angeles matapos ma-sprain sa practice for Viva All Stars basketball. Bago sila nag-practice ay nanggaling sina Rabin at Angela sa event ng endorsement nilang Rise Energy Pop.
Makikita nga sa isang Tiktok video na pipilay-pilay si Rabin pero mabilis naman siyang inalalayan ni Angela na nagpakilig nang todo sa kanilang mga fans.
Gaganapin ang Viva All Star Games 2026 sa Araneta Colesium sa August 16.
Anyway, mahusay sa basketball si Rabin. Nauna na siyang naglaro sa SIGLA MVPO (MVP Olympics) 2026 Celebrity All-Star Basketball Game na ginanap four months ago ng MVP Group.
At isa talaga siya sa tinilian sa nasabing celebrity game na ginanap din sa Araneta Coliseum.
- Latest






















