Kathryn, tinularan si Coco
MANILA, Philippines — Isa na namang inaabangang serye ang mapapanood sa TV5! Mas lalo ngang tumitindi ang excitement para sa inaabangang Someone, Someday matapos ilabas ng ABS-CBN ang official teaser at official poster ng serye, na tampok ang pagbabalik sa primetime ni Asia’s Superstar Kathryn Bernardo.
Matapos nga ang matagumpay na pagdating ng Coco Martin’s Sigabo, isa na namang malaking handog ang mapapanood ng mga Kapatid viewers sa pagdating ng Someone, Someday, ang feel-good drama na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo, James Reid at Maja Salvador.
Bahagi pa rin ito ng patuloy na content partnership ng TV5 at ABS-CBN, na naglalayong dalhin ang mas marami at mas de-kalidad na mga kuwento sa mas maraming manonood sa iba’t ibang platform.
Dahil dito, mas marami ang makakasubaybay sa inaabangang serye sa TV5, kasama ng iba pang platforms.
Tampok sa serye si Kathryn bilang isang batang CEO na bumuo ng isang dating app na layuning tulungan ang mga kababaihang matagpuan ang pag-ibig. Makakasama niya sina James Reid, Maja Salvador, McCoy de Leon, Gela Atayde, Dimples Romana, Matt Evans, at marami pang mahuhusay na artista.
Sa pagdating ng Someone, Someday, tiyak na mas marami pang pamilya ang magkakasamang makakasubaybay sa isa na namang kuwentong puno ng pag-ibig, inspirasyon, at pag-asa. Abangan ang Someone, Someday —malapit na sa TV5!
Bukod sa TV5, mapapanood din ito ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live on YouTube and Facebook, iWant, TFC, and streaming first on Netflix.
And to celebrate the upcoming premiere, ang cast ng Someone, Someday ay sasali sa Primetime Bida motorcade alongside the stars of Coco Martin’s Sigabo sa June 28 (Sunday) at 4 PM in San Fernando, Pampanga. Leading the cast are Kathryn, James, McCoy De Leon, Gela Atayde, Matt Evans, and more.
- Latest



















