^

PM Sports

Giannis lalaro sa Heat

Pang-masa
Giannis lalaro sa Heat
Makakatulong na ni Bam Adebayo si Giannis Antetokounmpo sa kampanya ng Heat.

MILWAUKEE — Ibinigay ng Bucks si franchise icon Giannis Antetokounmpo kasama si Bobby Portis sa Miami Heat kapalit nina Tyler Herro, Kel’el Ware, Jaime Jaquez Jr., Kasparas Jakucionis, tatlong first-round picks (kasama ang No. 13 sa 2026 NBA draft), isang pick swap at isang second-round pick.

Sa kanyang 13 season sa Milwaukee ay hinirang si Antetokounmpo bilang 10-time All-Star, two-time MVP at Defensive Player of the Year (2020).

Inihatid din ng 31-anyos na Greek star ang Bucks sa NBA championship noong 2021 na tumapos sa 50 taong paghihintay ng prangkisa.

Isasara ng Milwaukee at Miami ang nasabing deal sa Hulyo 6 na posible pang madagdagan.

Noong Hunyo ay nagkasundo ang Phoenix Suns at Houston Rockets sa isang trade na lumaki sa isang makasaysayang seven-team trade.

Isa na si Antetokounmpo kasama si Bobby Portis sa Miami Heat kapalit nina Tyler Herro, Kel’el Ware, Jaime Jaquez Jr., Kasparas Jakucionis, tatlong first-round picks (kasama ang No. 13 sa 2026 NBA draft), isang pick swap at isang second-round pick.

sa mga naging elite pickups ng Heat kagaya nina LeBron James, Shaquille O’Neal, Chris Bosh, Alonzo Mourning at Jimmy Butler sa nakalipas na 30 taon.

Itatambal ni Miami president Pat Riley ang two-time NBA MVP at 2021 Finals MVP kay Bam Adebayo para sa kanilang kampanya sa Eastern Conference.

Bumata ang lineup ng Milwaukee sa paghugot sa 26-anyos na si Hero, sa 25-anyos na si Jaquez, sa 22-anyos na si Ware at sa 20-anyos na si Jakucionis.

Bukod sa Heat at ikinunsidera rin ng Bucks ang alok ng Boston Celtics para makuha si Antetokounmpo.

Tampok sa package ng Boston sa Milwaukee si 2024 Finals MVP Jaylen Brown at dalawang first-round picks.

Samantala, kinuha ng Brooklyn Nets si three-time All-Star forward Julius Randle mula sa Minnesota Timberwolves bilang bahagi ng isang three-team deal na magdadala kay center Nic Claxton sa Chicago Bulls.

NBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with