QCPD pinalakas internal support system program

MANILA, Philippines — Mas pinalakas pa ng Quezon City Police District (QCPD), ang mga internal support program nito sa pamamagitan ng iba’t ibang administrative initiatives mula Hunyo 7 hanggang 13, 2026.
Ayon kay QCPD Director PBGen Randy Glenn Silvio, aabot sa 2,220 benepisyaryo ang nabigyan ng serbisyong pangkalusugan ng QCPD Medical and Dental Unit, kabilang ang mga pulis, mga dependent, sibilyan, at Persons Under Police Custody (PUPC).
Kabilang naman sa mga serbisyong ipinagkaloob ang medical consultations, treatment, chest X-ray, dental services, at health monitoring. Nakilahok din ang yunit sa Ligtas Tigdas Campaign 2026. Bilang pagkilala sa mahusay na serbisyo, nagkaloob ang QCPD ng 9,070 commendations at 738 awards sa mga natatanging personnel.Nagsagawa rin ang distrito ng 227 community engagement activities sa iba’t ibang barangay sa Quezon City upang palakasin ang ugnayan ng pulisya at komunidad.
Para mapanatili ang kahandaan sa operasyon, isinailalim sa pagkukumpuni at maintenance ang 31 service vehicles ng distrito.
Nagbigay rin ang QCPD Damayan Program ng P20,000 burial assistance kay PCpl Jumar Apolinar ng PS 10, habang nagkaloob naman ang QCPD Kids Care Program ng kabuuang P160,000 financial assistance sa 32 dependents ng mga pulis na nagpakita ng kahusayan sa akademiko at sports.
- Latest
















