^

Pang Movies

Red Strings, umarangkada sa ika-25 pwesto sa Spotify!

Pang-masa
Red Strings, umarangkada sa ika-25 pwesto sa Spotify!

Matamis na pagsisimula ng pag-ibig ang ibinahagi ng OPM band na The Red Strings sa kanilang latest single na Kupido.

Isinulat ng band members na sina Gello Marquez, Cedryck Guda, Llana Claire Catudio, Nicholas De Rosales, Risen Santos at Liam Barba ang awitin kasama ang DNA Music label head na si Gabriel Tagadtad, na siya ring nagsilbing producer ng kanta. Tungkol ang awitin sa pagnanais na maging higit pa sa isang “baka” ang isang espesyal na samahan.

Sa halip na madaliin ang pag-ibig, ipi­napakita ng kanta ang saya ng pagdama sa bawat yugto nito – mula sa unang hawak-kamay at yakap hanggang sa unang halik.

Nabuo ang The Red Strings sa pamamagitan ng ABS-CBN Entertainment docu-reality show na The Next Big Band. Hango ang kanilang pangalan sa paniniwalang may mga taong itinadhana para magkakilala at magsama-sama – katulad ng red string na nagdugtong sa kanila upang gumawa ng musika.

Umani ng mahigit 300,000 streams ang Kupido sa Spotify at tampok din ito sa editorial playlists tulad ng Hot Hit Philippines, Tatak Pinoy at OPM Rising. Umarangkada rin ito sa ika-25 na pwesto sa Spotify Philippines Viral Songs Chart.

Kamakailan, nakasama rin ang banda sa Panahon busking tour ni Angela Ken sa SM Mall of Asia. Nakisaya rin sila sa The Road to Wakas mall show sa SM City Dasmariñas at sa M2chella sa Market! Market!

GMA Network radio stations, number one muli sa Mega Manila!

Patuloy pa ring nangunguna ang mga flagship radio station ng GMA Network sa Mega Manila.

Ayon sa April 2026 data ng Nielsen Radio Audience Measurement (RAM), nagtala ang flagship AM radio station ng GMA na Super Radyo DZBB 594 kHz ng 70.9 percent na audience share.

Hindi naman nagpahuli ang flagship FM radio station ng GMA, ang Barangay LS 97.1 Forever! Mula sa parehong datos ng Nielsen RAM, tuloy ang pagiging number one ng Barangay LS, na mayroong 53.8 percent audience share.

Mapakikinggan ang mga programa ng Super Radyo DZBB 594 kHz at Barangay LS 97.1 mula Lunes hanggang Linggo.

Sa Spotify, mapakikinggan din ang mga kinagigiliwang podcast ng Super Radyo DZBB tulad ng DZBB SUMASAPUSO.

Samantala, mula naman sa Barangay LS 97.1 Forever ay ang mga sumusunod na podcast: mga kuwento ng pag-ibig sa Barangay Love Stories at mga kuwento ng misteryo at kababalaghan sa Liham ng Gabi.

OPM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with