^

PSN Showbiz

Halfies statement, ‘binaril’ ngmga pageant winner! “

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Halfies statement, ‘binaril’ ngmga pageant winner! “
Brandon Espiritu.
STAR/ File

Merese!” ang gusto sana naming iparating sa dalawang ‘halfies’ na sina Brandon Espiritu at Jether Palomo dahil sa backlash na inabot nila dahil lang sa komentong ipinost sa social media na tila may pagmamalait sa mga purong Pinoy na mga nagwagi sa ilang international beauty competitions.

Si Brandon talaga ang tinamaan nang husto dahil sa remark niya na nagmamalaking nakakapagbigay sila ng karangalan sa bansa dala ng nananalaytay na banyaga sa kanilang dugo. Siya pa ang nagpauso ng salitang “halfies.”

Kaya ang daming nag-react lalo na ang title holders na half-Pinoy at half foreigner kagaya nina Gazini Ganados, Kirk Bondad at marami pa.

Pati mga purong Pinoy na title holders din ay nag-react dito.

Nabulabog ang pageant world, dahil sa matinding reaction sa pahayag nitong Brandon. Si Jether naman kasi ay US citizen, pero purong Pinoy siya.

Lalo na ngayong ipinagdiwang natin ang Araw ng Kasarinlan, ipinaglaban ng netizens ang ating pagka-dugong Pinoy. Kanya-kanya silang hanash sa social media.

“Not a halfie, just a proud PINAY. Periodt [Philippine flag emoji],” emote sa Facebook ni Anita Rose Gomez, Miss Asia Pacific International Philippines 2025.

Tuwang-tuwa ang mga baklita sa ­hanash naman nitong si Denver Argana (second runner-up sa Mister Fitness Supermodel World 2025) na ang sabi sa post nito, “I’m pure Pinoy! Pero sure ako mas malaki ‘yung akin kaysa sa ibang halfies.”

Kahit ang Italian-Canadian na si Nico Locco ay may ambag din. Dahil kahit wala siyang dugong Pinoy, nasa puso na rin niya ang pagka-Pilipino. “I owe everything to the Philippines at grateful ako sa lahat ng dumating na opportunities dito. Wala akong karapatan mag-comment o manghusga sa kahit anong larangan dito sa bansa, dahil maraming magagaling at talented Filipinos sa bansa. Respect.”

Hanggang kahapon ay marami pa rin ang nagpo-post ng pananaw nila sa isyung ito na pinasimulan nitong si Brandon.

May karapatan silang magbigay ng opinyon dahil purong Pinoy sila, pero may napapanalunan silang titulo sa ilang international competitions.

Kahit nag-sorry si Brandon pagkatapos niyang mahimasmasan sa ipinost niyang ‘yun, patuloy pa rin siyang tinuligsa at hindi natanggap ang pahingi niya ng paumanhin.

Ang ending, nabawasan siya ng followers sa social media at nag-atrasan ang ibang produktong inendorso niya.

Kaka-guest lang ni Brandon sa anniversary episode ng Pepito Manaloto, na kinakiligan pa siya ng ilang staff doon. Ngayon ay in-unfollow na siya ng mga ito.

Kaya “merese!” ‘di ba?

Epy, may papugay sa ama

Namataan namin si Epy Quizon kasama ang kapatid na si Ronnie sa premiere night ng pelikulang Project Baby sa Eastwood Cinema noong Martes.

Sumuporta sila kay Eric Quizon na nagdirek ng naturang pelikula na pinagbidahan nina Sue Ramirez at Rico Blanco.

Natawa si Epy nang tinanong namin na guest pala siya sa reunion movie ng Home Along Da Riles. Nakalagay naman kasi sa poster ng naturang pelikula na may special participation ang magaling na aktor. “Akala ko, secret. Hindi ko alam kung sasagutin ko ang tanong mo, e. Baka magalit sa akin si Direk Dos [Boy 2 Quizon]. Ayokong sagutin, baka magalit sa akin si Direk Dos,” pakli ni Epy.

Bilang pagpupugay nila ito sa namayapa nilang amang si Dolphy, dahil tamang-tama pang-Father’s Day celebration nila ang showing nito sa June 17.

“I know. I hope the Filipino people go to the movie house. Let’s bring our theater moviegoers back to the movie house,” sambit ni Epy.

“And you know, Project Baby, direktor ang kapatid ko, si Eric [Quizon]. And then Home Along, direktor naman si Direk Dos, ‘di ba?” saad ni Epy.

Parang gusto raw umiyak ni Epy nang mapanood niya ang trailer ng Home Along... “Actually, nostalgic siya. Very nostalgic, ‘di ba? So, ‘pag pinapanood ko nga ‘yung trailer, parang gusto mong umiyak.

“Na hindi mo alam kung saan ka iiyak. Kasi nostalgia ang nararamdaman mo, e, ‘di ba?” sambit ni Epy Quizon.

BRANDON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with