Jericho, iwas sa tukso

Ang laking business din pala ng ‘loyalty testers’ na bibida sa The Loyalty Game at pinagbibidahan nina Jericho Rosales at Janine Gutierrez.
May ganun pala for real. At matagal na. Nag-umpisa noong pandemic.
Kasamang gaganap na loyalty testers sina Yen Santos (Diane), Kira Balinger (Angel), Elisse Joson (Bridget), Charlie Dizon, Maika Rivera (Carlota) and Sofia Andres (Elizabeth).
Bukod sa bagong kuwento na kailangang diskubrehin ng mga manonood, aabangan ang patalbugan ng akting nila na sabi nilang lahat ay ngayon lang nila ginawa.
At isa pang aabangan dito, si Carmina Villarroel na nagbabalik bilang Kapamilya.
Maraming konteksto ang trailer ng bagong serye ng Prime Video, at nakaka-excite ang misteryo sa kuwento.
Nagsisimula ang trailer kina Ben at Ana – Jericho at Janine – ng isang emosyonal na eksena.
Natumba si Jericho sa sahig, habang hawak niya ang kanyang leeg, duguan. Pagkatapos ay magkasama sila ulit sa kama, at sinabi sa kanya ni Ben na hindi niya ito nakita sa kama nang magising kanina. Pero sinagot siya na naroon siya, natutulog, sa buong oras.
Kaya’t maraming nabitin. At lalong na-curious kung paano tatakbo ang kuwento.
Pero sa totoong buhay ba, mahirap na ngayong maging loyal dahil sa social media.
“I don’t know, in the context of mahirap bang maging loyal ngayon sa social media? Ah, kung ilalapit ko ang sarili ko sa apoy, of course, I mean sa Facebook Marketplace pa lang ang hirap na, eh. Ang dami mo na sigurong mabibili ng ganun. I like Janine’s answer kasi depende sa character mo ‘yun, eh. Oo, it’s really you. If alam mong susceptible ka sa failure at sa pag-fall at pag-ganun, ‘wag mo nang ilapit sarili mo dun. You have to build your character and yourself first before, mahirap,” pagbabahagi ni Jericho
Or mas mahirap nang mahuli ang hindi loyal?
“I think kung loyalty ang pag-uusapan, yeah, if you’re single then sige go, ‘di ba. Bahala ka sa buhay mo kahit anong gawin mo. But if you know that you’re gonna hurt someone, ‘wag ka na diyan. Iwas ka na diyan.”
Pero paano ba nati-test ang kanyang pagiging matapat?
“Na nate-test ‘yung loyalty mo. For example, loyalty mo sa country, that’s another thing, ‘di ba. Then ipapakita niya sa ‘yo kung ano talaga ‘yung importante sa ‘yo. It’s not always that you’re a bad person. Parang I guess some of loyalty testers, ‘di ba. Maybe some of them they pried at their job. Maybe.”
Samantala, parang bago ulit ang pakiramdam ni Yen Santos sa pagsali sa The Loyalty Game.
Ito rin daw ang reunion project nila ni Jericho pagkatapos ng walong taon. “Sobrang na-miss ko lahat. Miss na miss ko lahat. Na-miss kong mag-trabaho. Na-miss ang routine ng taping. Namiss kong magbasa ng script.
“Na-miss kong magkaroon ng bagong friends sa set. Na-miss ko talagang umarte. Kaya I’m really really grateful na nakasama ako rito,” pag-amin ni Yen sa ginanap na media conference ng The Loyalty Game noong isang gabi.
Mag-uumpisang mapanood sa Prime Video ang The Loyalty Game sa July 3.
- Latest

























