‘Please bring him home’ - Sen. Bong Go
Sa ‘pagkidnap’ kay Duterte
MANILA, Philippines — Muling umapela si Senator Christopher “Bong” Go sa kanyang mga kasama sa Senado na tulungan si dating Pangulong Rodrigo Duterte na ngayo’y nakapiit sa The Hague, Netherlands na maibalik sa bansa dahil marami aniyang Filipino na nasasaktan at nangungulila sa dating lider.
“Madam chair, sa mga kasamahan ko, kahit araw-araw pa tayong mag-hearing dito, I’m willing to participate. Pakiusap ko lang po sa inyo, sana matulungan, please bring him home,” ang pahayag ni Go sa ikalawang pagdinig ng Senate committee on foreign relations na pinamumunuan ni Senator at Presidential sister Imee Marcos.
Ayon kay Go, ang importante ngayon ay makauwi si “Tatay Digong” sa sarili niyang bansa sa pagsasabing nakahanda naman nitong harapin kung ano man ang mga inaakusa sa kanya.
Dapat din aniyang isaalang-alang ang edad ni Duterte na isa nang frail, fragile at harmless.
Kasabay nito’y nadismaya si Go sa pagkabigo ng mga inimbitahang resource persons na dumalo sa pagdinig matapos pigilan ng Malakanyang sa pamamagitan ng palusot na “executive privilege at sub judice rule”.
- Latest