TNT konektado na sa Finals

MANILA, Philippines — Pinauwi ng Talk ‘N Text ang Rain or Shine matapos ang 97-92 panalo sa Game 5 ng best-of-seven semifinal series upang makaabante na sa ikalawang sunod nitong finals appearance sa 2024-2025 PBA Commissioner’s Cup finals kahapon sa Smart-Araneta Coliseum.
Binura ng Tropang Giga ang 13-puntos na deficit sa second half upang makumpleto ang 4-1 series win at makauna na sa isa pang best-of-seven finals kontra sa mananalo sa pagitan ng Barangay Ginebra at NorthPort.
Hawak ng Gin Kings ang 3-1 bentahe sa naturang series at kung magtatagumpay din as of press time ay maikakasa ang finals rematch sa Tropang Giga, na siyang nagwagi sa Governors’ Cup.
May tsansa ngayon ang TNT sa back-to-back title matapos trangkuhan ni Rondae Hollis-Jefferson ang kanilang Game 5 win sa likod ng 42 puntos, 11 rebounds, 4 assists at 3 tapal.
Sumuporta sa kanya sina Rey Nambatac at Calvin Oftana na may tig-12 puntos.
“Like I said earlier, we didn’t think of the finals first, we just focused on this game. And now, we’re going to go and talk a look and figure out how to best prepare ourselves for the finals,” ani Reyes.
Naiwan sa hanggang 46-59 ang Tropang Giga sa third quarter at naghahabol pa sa 74-77 sa simula ng fourth quarter bago magpakawala ng pambihirang 21-9 panapos na bomba na tinuldukan ng freethrows ni Rondae Hollis-Jefferson para sa 95-86 na bentahe.
Naging sapat na kalamangan iyon para sa TNT tungo sa dikdikang tagumpay kagaya ng mga unang labang naipanalo nila.
- Latest