^

Pang Movies

Junior actor, malambot

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Naglalaway-laway ang mga matrona at accla sa maganda at makinis na pangangatawan ng isang junior actor lalo na kapag pinagmamasdan nila ang hubad na pictorial para sa isang local clothing brand!

Pero hindi ligtas sa mapanuring mata ng mga accla ang tingin-tingin at parang nakataas na kilay ng junior actor, huh!

“Parang confirmed ang pagiging malambot niya!” sey ng isang accla.

“Naku, hindi naman kilay ang makikita mo pag nasa kama na kayo, huh! Hahaha!” sey naman ng isang ilusyunadang accla.

Naku, hindi na bago ang mga malalamyang aktor sa showbiz na walang takot magpaseksi, di ba, SA? Basta magaling umarte, accla man o hindi, magugustuhan pa rin siya ng producers at publiko, huh!

Direk Chito at Juday, ngayon lang natuloy

Natuloy na rin ang pagsasama sa movie nina Judy Ann Santos at Direk Chito Roño. Ito ay para sa pelikulang Espataho ng Quantum Films kung saan makakasama ni Juday ang Chito Roño fave actress na si Lorna Tolentino.

Isa ang Espantaho sa limang movies na official entries based sa finishned product sa 2024 Metro Manila Film Festival na unanunsyo last Tuesday ng MMDA sa The Podium.

Dapat sana, magkakatrabaho sina Juday at Direk Chito sa horror movie na Feng Shui. Nagkaroon ng problema at si Kris Aquino ang ipinalit kay Juday sa movie that made Kris the Horror Queen!

Anyway, nasabing announcement, sinabi ni MMDA Chairman Atty. Artes na dahil sa rami ng aspirants sa MMFF, baka isali nila ang iba sa Summer Film Festival!

Bukod sa Espatantaho, official entries din ang Uninvited ni Vilma Santos; My Future You nina Francine Diaz at Seth Fedelin; Topak ni Arjo Atayde; at Hold Me Close nina Julia Barretto at Carlo Aquino.

Payanig ang 2024 MMFF dahil bakbakan na sa takilya, bardagulan pa sa Gabi ng Parangal!

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with