^

PSN Palaro

Flag bearers sina Petecio at Paalam sa Paris Olympics

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Flag bearers sina Petecio at Paalam sa Paris Olympics
Nesthy Petecio at Carlo Paalam

MANILA, Philippines — Itinalaga sina veteran bo­xers Nesthy Petecio at Carlo Paalam upang ma­ging flag bearers ng Team Philippines sa ope­ning ceremony ng 2024 Paris Olympics sa Hulyo 26.

Pinangalanan sina Petecio at Paalam dahil sa ma­tagumpay na kampan­ya nito sa nakalipas sa Tok­yo Olympics.

Parehong nakasungkit sina Petecio at Paalam ng pilak na medalya para tu­lungan ang pambansang de­legasyon sa kampanya nito sa Tokyo Games.

Nakahirit ng tiket pabalik sa Olympic Games sina Petecio at Paalam matapos ang qualifying tournaments para sa boxing.

Unang nakapasok si Pe­tecio sa women’s 57kg division ng 1st World Qualification Tournament na gi­nanap noong Marso sa Busto Arsizio, Italy.

Bigo si Paalam na ma­kapasok sa 1st Olympic qua­lifiers matapos magta­mo ng injury sa kanyang ba­likat.

Subalit hindi ito sumuko nang rumesbak ito sa 2nd World Qualification Tour­na­ment na ginanap sa Bangkok, Thailand noong na­karaang buwan.

Hahataw si Paalam sa men’s 57kg class.

Makakasama nina Petecio at Paalam sa boxing competitions si Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Marcial at sina Aira Villegas at Hergie Bacya­dan.

Aariba rin sa Paris Olympics sina rower Joanie Del­gaco, gymnasts Carlos Yulo, Aleah Finnegan, Emma Malabuyo, at Levi Ruivivar, pole vaulter EJ Obiena, fencer Samantha Catantan at sina weightlif­ters Vanessa Sarno, Elreen Ando at John Ceniza.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with