^

PSN Showbiz

Anak ni Kiko at Shawie may fundraising para sa Gaza

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Anak ni Kiko at Shawie may fundraising para sa Gaza
Miel Pangilinan
STAR/File

MANILA, Philippines — This Thursday, naka-schedule ang livestream nang panawagan ni Miel Pangilinan at ng Handala Project na fundraising para sa Gaza. From 6pm-12am ang livestream.

Sabi ni Miel, “Please join me and @handalaproject in raising funds for gaza. this Thursday!! any amount of donations will help! the amount earned within the livestream i will personally match up and donate along with you guys.

Even just sharing this post ( and the livestream when it starts) is enough. our government does not represent us, the people stand with Palestine! #freepalestine.”

Mga comment na “wait i love this,” “thank you for this,” “Merci et bravo,” at “Hope your donations goes straight to the innocent people of Gaza not to the Hamas,” ang ilang reaction sa panawagan ni Miel.

Nakalagay din ang “Cash Aid Distribution” sa isang hospital at “Distribution of Nutritious Pea Meals.”

Ang maganda pa rito, tatapatan ni Miel ng sarili niyang donation ang malilikom sa live streaming. Waiting ang lahat kung magkano aabutin ang malilikom.

Speaking of Miel, sa Mother’s Day greetings niya sa mom niyang si Sharon Cuneta, nabanggit nito na mami-miss niya ang pagpapatugtog ng mom niya ng songs ng favorite K-pop group nilang Shinee kapag umalis na siya for New York kung saan siya mag-e-enroll for college.

Nabanggit na ni Sharon na ngayon pa lang, nalulungkot na siya kapag lumipad na for New York si Miel. By the time yata na nag-aaral na sa New York si Miel, hindi pa tapos sa studies si Frankie ­Pangilinan na nag-aaral din sa New York. Maiiwan na lang sina Sharon, Kiko Pangilinan at ang bunso nilang si Miguel Pangilinan.

Miguel, napagkamalang fake ang ngipin

May mga nag-akala palang pustiso ang ngipin ni Miguel Tanfelix dahil maganda ang set of teeth nito at maputi pa. Mabuti raw at hindi nalaglag ang pustiso ng Kapuso actor tuwing sumisigaw ng Let’s volt in sa Voltes V: Legacy at hindi rin nalalaglag ito sa physical missions nila ng kapwa runners sa Running ManPh.

Ang pinagbasehan ng comment na pustiso ang ngipin ni Miguel ay ang old write-ups na sa isang taping, nalaglag ang pustiso ng aktor at tinulungan pa siya that time ni Diana Zubiri na hanapin ito.

It turned out na that time, bungi si Miguel at dahil may show, kinailangang magsuot ng pustiso. Kaya lang, bata pa siya noon at napalitan na ang kanyang baby teeth ng permanent teeth na sa ganda, aakalain ngang ‘di orig.

Pinagtawanan tuloy ng fans ni Miguel ang bashers na hindi raw nag-research ng maayos.

Samantala, pagkatapos ng RMPH, may kasunod na series sa GMA-7 si Miguel at ibi-build-up yata siya na young action star gaya ni Ruru Madrid. Action series kasi ang next project niyang Mga Batang Riles to be directed by Richard Arellano, isa sa dalawang directors ng action packed na Black Rider.

vuukle comment

LIVESTREAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with