Kylie, may patutsada sa absent, unreliable and selfish?!
Nagpatutsada kaya ulit ang Kapuso actress na si Kylie Padilla sa dating mister na si Aljur Abrenica sa kanyang ipinost na video?
Kuha ang video sa isang eksena sa American series na Marriage Story na may mahabang litanya kung saan sinabing, “Before that fathers were expected to be silent, and absent and unreliable and selfish. And we can all say we want them to be different. But on some basic level, accept them. We love them for the fallibilities.
“But people absolutely don’t accept those same failings in mothers. We don’t accept it structurally, and we don’t accept it spiritually.”
Naging halimbawa pa sa eksena si Mama Mary na perpekto raw bilang ina na hawak si Jesus hanggang sa mawala ito. Pero wala raw sa eksena ang tatay nito na si God at sinabing bilang babae ay dapat nga maging perpekto dahil hindi mahalaga kung f*ck up ang lalaki o mister sa nasabing serye.
“You will always be held to a different, higher standard,” dagdag pa na linya sa eksena at ganon daw talaga ang tingin sa mga ina.
Ipinost kaya ito ng anak ni Sen. Robin Padilla dahil naka-relate siya?
Maaalalang tila nagkaroon ng sagutan at mga patutsada sina Kylie at AJ Raval, na bagong karelasyon ngayon ni Aljur.
Meron kasing cryptic post si Kylie matapos mag-file ng certificate of candidacy ng kanyang ex at si AJ nga ang diumano’y sumasagot para sa bf at tatay ng mga anak ni Kylie.
Kaya siguradong nakaabang ang mga marites kung sasagot ulit si AJ sa pinost ni Kylie.
- Latest