^

Bansa

Pondo sa ayuda, multi-purpose buildings, posibleng bawasan sa 2027

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan ng Senado ang pagbabawas ng alokasyon para sa mga multipurpose building at ilang programang pinansiyal na ayuda sa ilalim ng panukalang 2027 national budget.

Ayon kay Sen. JV Ejercito, chairman ng Senate Committee on Finance, ililipat ang bahagi ng matitipid na pondo sa mga proyektong may foreign assistance at iba pang programang mahalaga sa nation-building at paglago ng ekonomiya.

Sinabi rin ng senador na ang bahagi ng pondo mula sa ayuda ay maaaring ilaan sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) upang masuportahan ang mga programang tulad ng zero-balance billing at pagpapahusay ng mga pasilidad pangkalusugan.

Binigyang-diin ni Ejercito na prayoridad ng Senado ang economic recovery at pagpapabilis ng paglago ng ekonomiya, kasabay ng maayos at wastong paggastos ng pondo ng pamahalaan.

Samantala, tiniyak niya na hindi kasama sa mga plano ng Senado ang paggamit ng reenacted budget habang nagpapatuloy ang deliberasyon sa panukalang pambansang badyet para sa 2027.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with