Artist sa U.S., ipininta ang Statue of Liberty sa loob lang ng 43.5 seconds
ISANG performance painter sa USA ang nagtala ng Guinness World Records matapos maipinta ang Statue of Liberty sa loob lamang ng 43.5 seconds.
Si David Garibaldi ang nakakuha ng official title na “fastest time to paint a landmark statue.” Ginawa niya ang record attempt sa New York City mula sa isang lugar na may malinaw na tanawin ng Statue of Liberty.
Ang Statue of Liberty ay iniregalo ng France sa United States noong 1886. Ang buong pangalan nito ay “Liberty Enlightening the World,” at sa paglipas ng panahon ay naging isa sa pinakakilalang simbolo ng USA.
Ayon kay Garibaldi, sanay siyang gawing bahagi ng performance ang kanyang pagpipinta, ngunit para sa challenge na ito ay nakatuon lamang siya sa bilis. Sa loob ng wala pang isang minuto, matagumpay niyang nakumpleto ang painting ng iconic New York landmark.
Nasaksihan ang attempt ng Guinness World Records adjudicator na si Michael Empric. Ayon kay Empric, naging espesyal ang record dahil isinagawa ito sa New York waterfront habang mismong Statue of Liberty ang subject ng painting.
Sinabi ni Garibaldi na nais niyang magtakda ng bagong standard para sa kanyang sarili at umaasa siyang makapagbibigay ng inspirasyon ang kanyang achievement sa ibang tao na subukan din ang mga bagay na tila mahirap abutin.
- Latest















