^

Police Metro

Senator-judges, kinuwestyon video clip nina Miriam at Corona

Gemma Garcia, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kinuwestyon ng ilang senator-judge at ng prosekusyon ang pagpapalabas ng defense team ni Vice President Sara Duterte ng mga lumang video clip nina dating Senator Miriam Defensor-Santiago at dating Chief Justice Renato Corona sa pagpapatuloy ng impeachment trial nitong Huwebes.

Ipinalabas ang mga ito habang isinasagawa ni Defense Counsel Atty. Mark Vinluan ang direct examination sa kanilang expert witness na si Atty. Rainer dela Fuente sa ika-44 na araw ng impeachment trial.

Ipinakita rito ang panenermon ng yumaong senadora sa prosekusyon noong 2011-2012 Corona impeachment trial dahil sa pagbawi ng lima sa walong articles of impeachment. Inihambing ito ng depensa sa naging pagbawi rin ng mga reklamo sa kasalukuyang paglilitis.

Ipinakita naman ang emosyonal na testimonya ng namayapang punong mahistrado tungkol sa epekto ng impeachment sa kaniyang buhay at sa Korte Suprema. Ginamit ito ng depensa kasama ang clip ni dating ­Pangulong Rodrigo Duterte upang talakayin ang posibilidad na magamit ang impormasyon mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) bilang sandata sa pulitika.

Pinuna ni Senator-Judge Erwin Tulfo ang kabuluhan ng video ni Santiago sa kaso ni Duterte at nanawagan sa depensa na “pagpahingahin” na ang yumaong senadora. Sinang-ayunan ito ni Senator-Judge Ping Lacson na nagtanong kung paano makatutulong sa kasalukuyang paglilitis ang opinyon ng isang hukom mula sa paglilitis noong 2011.

Matapos ang ilang minutong pagpapalabas at pagkuwestyon ng mga hukom, ipinatigil na ni Trial Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero ang video ni Santiago.

Ipinaalala naman ni Senator-Judge Raffy Tulfo na sa kabila ng mga pahayag sa video, nahatulan pa ring guilty si Corona noon dahil sa kabiguang ideklara ang kaniyang mga ari-arian at bank deposits.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with