^

Probinsiya

Palengke sumabog: 1 gutay, 2 grabe

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Palengke sumabog: 1 gutay, 2 grabe
Masusing sinisiyasat ng mga awtoridad ang naganap na malakas na pagasabog sa harap ng isang pamilihan at expressmart sa Tara St., Brgy. Pating, Masbate City, Masbate kahapon ng hapon. Isa sa mga tricyle driver (inset) ang nagkagutay-gutay matapos mapuruhan sa pagsabog habang dalawa pang kasamahan ang malubhang nasugatan.
Jorge Hallare

MASBATE CITY, Philippines — Patay at nagutay ang isang tricycle driver habang dalawa pa ang kritikal matapos ang nangyaring malakas na pagsabog sa harap ng LCC Expressmart at public market sa kahabaan ng Tara Street, Brgy. Pating, dito sa lungsod kahapon ng hapon.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng nasawi at kalagayan ng dalawa pang biktima na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na lahat ay isinugod sa Masbate Provincial Hospital.

Sa ulat, pasado alas-2 ng hapon, nagulantang ang mga tao sa pali­gid nang makarinig ng malakas na pagsabog. Nabalot ng usok ang paligid at nang magliwanag ay nakita ang ilang tao na sugatang nakahandusay habang nagkabasag-basag ang salamin at bumagsak ang kisame sa kalapit na mga istablisimiyento.

Lahat umano ng biktima ay tricycle driver na nakaparada sa harapan.

Isa sa trike driver ay nakitang gutay-gutay ang damit at duguang nakahandusay makaraang mahulog sa kanyang tricycle habang ang dalawa ay humandusay sa harap mismo ng expressmart dahil sa lakas ng pagsabog.

Mabilis na rumes­ponde ang mga pulis at mga tauhan ng CDRMMO-Masbate City at isinugod ang mga sugatan sa pagamutan.

Patuloy sa imbestigasyon ang mga kasapi ng Masbate City Police Station at Masbate Provincial Police Office sa pangu­nguna mismo ni Provincial Director Col. Jefferson Araojo para malaman kung ano ang sumabog, at kung ito ay sinadya.

Hanggang sa sinusulat ang balita kagabi ay wala pang nakikitang uri ng substance mula sa bomba o anumang pampasabog ang mga pulis.

CRIME

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with