^

Probinsiya

Volleyball coach itinumba sa training!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Volleyball coach itinumba sa training!
Kinilala ang nasawing biktima na si Randy Ultado Maravillas, 35-anyos, coach sa ng volleyball team ng mga high school varsity players.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

MANILA, Philippines — Sabog ang bungo ng isang volleyball coach ng Davao Region Athletic Association (DAVRAA) team matapos itong barilin ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin habang nagsasagawa ng training session sa kaniyang mga players sa loob ng gymnasium sa Brgy. Bago Gallera, Davao City nitong Huwebes ng gabi, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Randy Ultado Maravillas, 35-anyos, coach sa ng volleyball team ng mga high school varsity players.

Sa ulat ng Davao City Police, ang mga salarin ay dumating sa nasabing gymnasium lulan ng motorsiklo at nilapitan ang biktima habang abala ito ng pagpapraktis sa kaniyang mga volleyball players sa Suhai gymnasium sa lugar pasado alas-6 ng gabi.

Ang mga suspect ay nakasuot umano ng face mask, kulay itim na T-shirt at short, naka-sumbrero. Armado ng cal. 45 caliber pistol, binaril nang malapitan ng isa sa mga salarin ang biktima na napuruhan sa ulo habang nagsilbing lookout ang kasama nito.

Nahintakutan naman ang mga players sa matin­ding pagkabigla nang barilin sa harapan nila ang kanilang coach na duguang bumulagta at agarang namatay.

Ang mga salarin ay mabilis na nagsitakas matapos ang insidente na sinamantala ng pagkakagulo ng mga tao sa lugar.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with