^

Probinsiya

Bagitong parak sabog ulo sa sariling baril

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 27-anyos na bagitong pulis makaraang aksidenteng pumutok ang baril nito na tumama mismo sa bahagi ng kaniyang ulo sa gitna ng isang masayang kasayahan sa pagtatapos sa pagsasanay sa nangyarng insidente Brgy. Caranoche, Sta Catalina, Negros Oriental nitong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Patrolman Leonard James Fajardo, nakatalaga sa Regional Holding and Accounting Section (RHAS) ng Police Regional Office-Negros Island Region.

Ang biktima ay kaga-gradweyt lamang sa Basic Internal Security Operations Course nitong Nob­yembre 10 sa ilalim ng Regional Special Training Unit- Negros Island Region training site sa Brgy. Kabukalan ng lungsod at ipinagdiriwang ang okasyon kasama ng mga kaibigan nitong parak.

Sa ulat ng Negros Oriental Provincial Police Office (PPO) nangyari ang insidente sa dakong alas-12 ng hatinggabi habang nakikipaginuman ang biktima sa mga kasamahan nitong nagsipagtapos.

Ayon sa imbestigasyon, nasa impluwensya ng alak ang biktima nang bunutin nito ang kaniyang cal. 9mm service pistol at magsagawa ng demonstras­yon kung paano umano ito mabilis na gamitin sa mga panahon ng emergency sa kanilang trabaho. Gayunman, aksidenteng nakalabit ng biktima ang gatilyo ng armas habang hawak ito at isang malakas na putok ang umalingawngaw. Nasapol ng bala ang noo nito na duguang bumulagta sa insidente.

Sinabi ni P/Captain Stephen Polinar, Spokesperon ng Negros Oriental PPO mabilis na isinugod sa Bayawan District Hospital ang biktima, pero idineklara nang patay dakong alas-12:30 ng mada­ling araw nitong Sabado.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with