^

PSN Showbiz

Angelina nagamit ng netizens, gusto na lang maging simple ang buhay

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Angelina nagamit ng netizens, gusto na lang maging simple ang buhay
Angelina Jolie

Gamit na gamit si Angelina Jolie sa social media ng iba nating kababayang negosyante.

Naka-AI (artificial intelligence) na as if may hawak siya ng mga product nila.

‘Kaloka.

Meron pang nag-AI na nasa Quiapo church ang Hollywood actress.

Ginamit nila ang ilang photos ng iconic actress sa Cambodia na parang Pilipinas lang kaya ang bilis lang.

Anyway, bawal ang photos and videos sa attendees ng ASEAN Summit kaya pulos official photos at ilang invited ang nakakakuha ng photos kaya pulos official ang lumalabas.

Ang dami ngayong nagkalat na vlogger kaya tama rin naman ang ginawa nila na exclusive talaga ang mga pre-event para sa ASEAN Summit.

Samantala, sinabi ni Angelina Jolie na gusto niyang ituloy ang isang mas simpleng buhay na nakatuon sa pamilya, public service at mga inisyatibo sa iba’t ibang kultura.

Aniya, kapag daw isang magulang tulad niya, gusto mo lang na nandito ka, at gusto mo lang na malusog ang lahat. Kaya gusto raw niyang magkaroon ng mas simpleng buhay, maipasa ang mga bagay sa kanyang mga anak.

ANGELINA JOLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with