^

Punto Mo

EDITORYAL — Pag-usad ng ekonomiya, masyadong mabagal

Pang-masa

MABAGAL ang iniusad ng ekonomiya sa huling­ bahagi ng 2026. Ito ang report ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ayon sa PSA. 2.1 percent lamang ang inilago ng ekonomiya sa taong ito.

Ito na ang ikalimang sunod na quarter na bumagal ang pag-usad ng ekonomiya at mas mababa sa 4 percent ang naitala kumpara noong nakaraang taon.

Kasabay ng pagbagal ng ekonomiya, umabot sa 7.8 percent ang inflation noong Oktubre, kaya mas mahal ang pagkain, enerhiya at iba pang pang-araw-araw na gastusin.

Mahina rin ang household spending dahil mas kaunti ang kayang bilhin ng bawat piso. Ito ang mahirap na kombinasyon: mahina ang ekonomiya habang­ mahal ang buhay.

May mga problemang wala sa kontrol ng gobyerno­, tulad nang nangyayaring kaguluhan sa Middle East kung saan patuloy ang bakbakan ng U.S. at Iran. Pero hindi lahat ay maaaring isisi sa mga nangyayari sa Gitnang Silangan.

Ayon sa ulat, bumaba nang 15.1 percent ang public construction sa third quarter.

Ayon sa mga economic manager, delays sa project validation, payments at implementation ang ilan sa mga nakikitang dahilan.

Tama lamang na higpitan ang pagsusuri sa infrastructure projects matapos ang mga malalaking kontrobersiya sa flood control projects. Hindi dapat madaliin ang paggastos kung kuwestiyonable ang mga proyekto.

Pero hindi rin dapat mauwi sa pagkakaparalisa ng gobyerno ang paglilinis sa sistema.

Kapag natetengga ang lehitimong proyekto, naaantala rin ang bayad sa contractors, trabaho ng mga manggagawa at pagbili ng materyales. Humihina ang negosyo at lalo pang bumabagal ang ekonomiya.

Kaya dalawang bagay ang kailangang gawin nang sabay: pababain ang presyo ng mga pangunahing bilihin at pabilisin ang malinis, maayos at kapaki-pakinabang na public investment.

Samantala, sa kabila ng mga nakikitang balakid sa ekonomiya, may magandang senyales sa exports na lalago ito ng 8.6 percent subalit hindi ito sapat upang saluhin ang mahinang consumption, agriculture at investment.

Hindi kailangang mamili sa pagitan ng paglaban sa korapsiyon at pagpapabilis ng ekonomiya. Nararapat na tutukan ito pareho.

Ipagpatuloy ang paglilinis sa sistema at huwag hayaang tumigil ang mga proyektong nagbibigay ng trabaho, kita at pag-asa sa mga karaniwang Pilipino na labis na apektado nang pagbagal sa usad ng ekonomiya.

ECONOMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with