^

PSN Showbiz

ABS-CBN pumalo sa 72.6 billion views!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
ABS-CBN pumalo sa 72.6 billion views!

Panay ang pa-thank you ng ABS-CBN sa mga manonood sa Pilipinas at iba’t ibang parte ng mundo matapos makakuha ng pinakamaraming views sa buong mundo ang ABS-CBN Entertainment YouTube para sa media and entertainment category. Nakalikom ito ng 72.6 bilyong total views nitong Oktubre 2026 ayon sa datos ng Tubular Labs.

Sa Pilipinas ay numero uno rin ang ABS-CBN Entertainment sa YouTube para sa lahat ng kategorya para sa total views (72.6 bilyon) at subscribers (55.3 milyon).

Tinatangkilik din ng mga manonood ang ibang social media platforms ng ABS-CBN para sa Facebook, Instagram at TikTok. No. 1 Facebook page sa Pilipinas ang ABS-CBN para sa entertainment genre batay sa views (726 milyon) at followers (47.5 milyon).

Nangunguna rin sa bansa ang kanilang Instagram para sa views (859 milyon) at engagements (19.5 milyon).

Numero unong TikTok account din sa Pilipinas ang ABS-CBN Entertainment sa media and entertainment category batay sa followers (14.6 milyon) at engagements (48.4 milyon).

Ang rankings para sa views at engagements ay batay sa datos ng Tubular Labs mula noong Setyembre 2026, habang ang mga ranking para sa followers ay mula noong Oktubre 2026. Ang Tubular Labs ang kilalang industry standard pagdating sa global social video measurement at creator rankings na sumusukat sa digital footprint ng mga platform tulad ng YouTube, Facebook, Instagram at Twitch.

Mula ito sa full episodes ng mga kasalukuyan at classic shows, hanggang sa highlight reels at exclusive digital videos, patuloy ang ABS-CBN sa paghahatid ng mas maraming paraan para ma-enjoy ng mga manonood ang kwentong Pilipino saan mang sulok ng mundo.

 

ABS-CBN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with