^

PSN Showbiz

Carmelle, gagawa ng kasaysayan para sa Pilipinas

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Carmelle, gagawa ng kasaysayan para sa Pilipinas
CARMELLE

Handa na ang Pilipinas sa unang pagsabak sa Eurovision Asia kasama ang singing champ na si CARMELLE na ibibida ang OPM sa global stage gamit ang awiting Sobra-Sobra sa Sabado (Nobyembre 14) sa Bangkok, Thailand.

Bilang unang kinatawan ng bansa sa Eurovision Song Contest Asia, makakalaban ni CARMELLE ang mga kinatawan ng 10 bansa sa kauna-unahang Asian edition ng Eurovision, na isang malaking pagkakataon para ipakilala ang OPM sa labas ng bansa.

“Excited ako sa opportunity, hindi lang para sa akin kundi para sa OPM, para mas marami pa ang makakilala sa Filipino music, maka-relate dito, at maintindihan ito saan man sila sa mundo,” ani CARMELLE.

Mapapanood ang bonggang patimpalak nang live sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live at iWant, 9:30 p.m. Philippine time. Magkakaroon din ito ng delayed telecast sa MYX.

Para sa Bicolana singer, isang milestone sa kanyang journey ang pagbandera sa talento ng mga Pilipino sa kumpetisyon, pagkatapos niyang magwagi ng pitong gold medals sa 2019 World Championships of Performing Arts at kilalaning champion ng Tawag ng Tanghalan: The School Showdown.

Isang women empowerment anthem ang kantang Sobra-Sobra mula kina Nica del Rosario at Mat Olavides na magbibida rin sa Filipino songwriting bukod sa natatanging boses at performance ni CARMELLE para sa pagkakataong magwagi sa laban.

Maaaring bumoto ang mga Pilipino worldwide, maliban sa mga nasa Pilipinas, para kay CARMELLE sa oras ng live broadcast ng programa sa official Eurovision Asia voting page. Ang magwawagi ay matutukoy ayon sa boto ng hurado at ng mga manonood, na kapwa may tig-50% na kontribusyon sa kabuuang puntos.

SHOWBIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with