Jao, ‘di alam ang meaning ng totga kay Osang

Nakasabayan noon ni Jao Mapa sa show business ang Gwapings na kinabibilangan nina Jomari Yllana, Eric Fructuoso at Mark Anthony Fernandez.
May panahon din na napabilang bilang ikaapat na miyembro ng grupo si Jao noon. “It was an honor to be part of the Gwapings. Every kid I know at that time, that’s their hype that time. They are the Gwapings, mataas ang tingin ko sa kanila. We were friends, pretty sure the media would try to split us up or do bad things. To put a hype or something pero hindi ko talaga pinansin ‘yung mga balita, gano’n because I also owe it to them. They accepted me to be the fourth,” nakangiting pahayag sa amin ni Jao sa Fast Talk with Boy Abunda.
Para sa aktor ay malaki na ang kaibahan ng mga tagahanga noon kumpara sa mga tagahanga ngayon dahil na rin sa social media. “The fans before, they’re waiting outside. Right now, click of a phone, you’re already connected with the artists,” giit niya.
Talaga namang kinakiligan ng mga tagahanga noon ang Gwapings. Kahit saan magpunta ang grupo ay talagang dinudumog ng tao. Hinding-hindi raw makalilimutan ni Jao ang isang insidente mahigit tatlong dekada na ang nakalilipas. “I was doing a show. I was at the car park. Dumating ‘yung isang fan, tapos magpapa-autograph siya. Tapos paglapit ko sa kanya, parang nagkakasakit siya, biglang hinimatay. Sabi ko, ‘Wooah!’ I don’t remember but I have to go to the show already. Sabi ng manager ko, ‘Kami na ang bahala sa kanya,” kwento ng aktor.
Samantala, kamakailan ay nag-trending ang naging pahayag ni Jao sa YouTube channel ni Susan Enriquez. Nabanggit kasi ni Jao na si Rosanna Roces ang kanyang TOTGA o The One That Got Away sa kanyang buhay pag-ibig noon. Matatandaang nagkatambal ang dalawa sa pelikulang Matrikula noong 1997. “Iklaro ko lang ah, I didn’t know what TOTGA means. My wife was the one who explained it to me at that time. ‘Ah, ‘yon ba ang ibig sabihin no’n?’ No, she’s not the one that got away. Gusto ko lang iklaro ‘yon, ‘yon ang issue,” paglilinaw ni Jao.
Nagkaroon ng tampuhan si Jao at ang kanyang misis dahil sa naging panayam sa naturang vlog. Aminado naman ang aktor na naging kasintahan niya ang sexy actress noon. “Yes, naging kami. At that time kasi it’s really for... to promote the movie. It became an issue actually, pero peace na kami,” nakangiting pagtatapos ng aktor.
(Reports from JCC)
- Latest






















