^

PSN Palaro

Wangkay humirit ng tanso sa Youth Olympics

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Wangkay humirit ng tanso sa Youth Olympics
Pi Durden Wangkay
STAR / File

MANILA, Philippines — Muling nadagdagan ang kaban ng Team Philippines matapos makahirit si Pi Durden Wangkay ng tansong medalya sa athle­tics competition ng 4th Youth Olympic Games na ginaganap sa Dakar, Senegal.

Wala nang itinira pa si Wangkay nang ibuhos na nito ang buong lakas nito para makahirit ng podium finish sa men’s 200m final event.

Nagtala si Wangkay ng personal best na 21.36 segundo para makamit ang tansong medalya.

Malapit ito sa naita­lang oras ni Ropafadzo Mizondo ng Zimbabwe na may dikit na 21.04 segundo para makuha ang gintong medalya.

Nasiguro naman ni Deuquan Farrell ng Gu­yana ang pilak na medalya bitbit ang 21.36.

Sa kabila ng parehong oras, nakuha ni Farrell ang pilak laban kay Wangkay sa pamamagitan ng photo finish.

Nalampasan ni Wangkay ang national records sa U18 at U20 na 21.40 segundo na kanya ring naitala sa PATAFA Weekly Relays noong nakaraang buwan.

Aminado si Wangkay na hindi madali ang laban na kanyang hinarap lalo pa’t dikit-dikit ang oras sa semifinals pa lamang.

Hindi nito inaasahang makakapasok ito sa podium.

Nagtapos si Wangkay sa ikalimang puwesto sa semifinals taglay ang 21.96 segundo para makuha ang silya sa finals.

Nakapuwesto si Wangkay sa lane 9 kung saan hindi ito sanay sa naturang puwesto.

Ngunit hindi ito nawalan ng pag-asa nang ilatag nito ang bagsik ng isang Pinoy para makuha ang podium.

Ito ang ikalawang medalya ng Team Philippines kung saan una nang nakapilak si Naomi Cesar sa women’s 800m.

PI DURDEN WANGKAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with