^

Police Metro

Parak na nanipa ng e-bike driver, ipinadi-dismiss

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Natio­nal Capital Region Police Office (NCRPO) Officer-in-Charge PBGen. Christopher N. Abrahano ang agarang pagsasagawa ng summary dismissal proceedings laban sa isang pulis-Maynila na nanakit at nagbanta sa isang e-bike driver sa Tondo, Maynila.

Ang pulis na isang patrolman at 30-anyos na nakatalaga sa District Mobile Force Battalion ng Northern Police District (NPD-DMFB).

Habang ang biktima ay kinilalang si Alexander Mateo, 35-anyos na e-bike driver.

Lumalabas sa ulat, naganap ang tensyon bandang alas-3:30 ng mada­ling araw noong Nobyembre 5, 2026, sa kanto ng Juan Luna at Villafojas Streets sa Tondo.

Sa hindi malamang dahilan, nagalit ang pulis, bumunot ng kaniyang service firearm (Pietro Beretta pistol), hinabol, at sinipa ang biktima na sumusubok lamang lumayo.

Bukod sa administratibong summary dismissal ay nakakulong nga ang pulis sa Manila Police District (MPD) at nahaharap sa mga kasong kriminal tulad ng grave threats at physical injuries.

Binigyang-diin ni PBGen. Abrahano na ang pagsuot ng uniporme at paghawak ng baril ng pamahalaan ay isang mabigat na responsibilidad na nangangailangan ng disiplina at paggalang sa karapatan ng mamamayan, at hindi pribilehiyo para mang-abuso o manakit ng publiko.

NCRPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with