^

Punto Mo

Bakit may paboritong anak ang ibang magulang? (Part 2)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

6. Naipapasa ang sariling childhood experience.

Ang mga magulang na lumaking may paboritong kapatid ay maaaring hindi namamalayang inuulit ang ganitong pagtrato sa sarili nilang pamilya. Maaari rin nilang mas piliing alagaan ang anak na nagpapaalala sa kanila ng sarili nilang kabataan.

7. Gender preference o pagkiling sa kasarian.

May mga magulang na mas pinapaboran ang lalaki kaysa babae, o kabaliktaran. Maaaring bunga ito ng nakagisnang paniniwala, tradisyon o inaasahan nila sa isang partikular na kasarian.

8. Mas madaling pakisamahan ang isang Anak.

May mga anak na likas na malambing, palabiro at palaging nagpapakita ng pagmamahal. Dahil dito, mas nagiging komportable ang magulang sa kanila kumpara sa mga anak na tahimik, mailap o hindi palahalik at palayakap.

9. Unconscious bias o hindi namamalayang pagkiling.

May mga magulang na naniniwalang pantay-pantay ang kanilang mga anak, ngunit sa aktuwal na pakikitungo ay may kinikilingan sila. Halimbawa, mas madaling patawarin ang isang anak kapag nagkamali, samantalang mas mahigpit sa iba.

10. Ginagawang sandigan ang isang anak.

May mga magulang na mas pinapaboran ang anak na palaging umaalalay sa kanila, nagbibigay ng pera o tumutulong sa mga problema. Dahil dito, nagiging mas malapit sila rito at nagkakaroon ng hindi pantay na pagtrato sa magkakapatid.

Ano ang epekto ng favoritism sa mga anak?

• Sa paboritong anak: Maaaring makaramdam ng guilt o pressure dahil inaasahan siyang laging maga­ling at walang pagkakamali.

• Sa hindi paboritong anak: Maaaring magkaroon ng mababang self-esteem, selos, sama ng loob at pakiramdam na hindi siya sapat.

• Sa magkakapatid: Maaaring magkaroon ng inggitan, kompetisyon, tampuhan at pagkasira ng samahan kahit pagtanda.(Itutuloy)

NAIPASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with