Jobless Pinoy, bahagyang tumaas noong Setyembre

MANILA, Philippines — Bahagyang tumaas sa 5.4% ang unemployment rate noong Setyembre mula sa 5.3% noong Agosto, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Katumbas ito ng 2.86 milyong Pilipinong walang trabaho, mas mataas kumpara sa 2.77 milyon noong nakaraang buwan.
Ayon sa PSA, nakaapekto rito ang pagdami ng mga Pilipinong pumasok sa labor force.
Samantala, ang mga naghahanap ng karagdagang trabaho o ng mas mahabang oras sa pagtatrabaho upang madagdagan ang kita ay bumaba, kung saan ang underemployment rate ay naitala sa 11% mula 11.9% o 5.56 milyong underemployed, mas mababa sa 5.9 milyon noong Agosto.
Hindi naman nagbago ang employment rate sa 94.6% habang umabot sa 50.32 milyon ang Pilipinong may trabaho mula sa 49.79 milyon noong Setyembre.
- Latest

















