^

Metro

May-ari ng crematorium, 3 iba pa kinasuhan ng NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
May-ari ng crematorium, 3 iba pa kinasuhan ng NBI
Isinumite na sa DOJ ng NBI-Environmental Crimes Division (EnCD) ang mga dokumento laban sa may-ari ng Ahjay Paw Aftercare Pet Crematorium na nakabase sa Bacoor, Cavite at mag-asawang subcontractor para sa cremation services na nagpatapon ng mga bangkay ng hayop­ sa Bulacan at isang hindi tukoy ang pangalan na nagbaon ng mga aso sa lupa.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Apat na indibidwal na sinasabing responsable sa pagtatapon ng mga patay sa aso at pusa sa Bulacan, ang kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) kahapon.

Isinumite na sa DOJ ng NBI-Environmental Crimes Division (EnCD) ang mga dokumento laban sa may-ari ng Ahjay Paw Aftercare Pet Crematorium na nakabase sa Bacoor, Cavite at mag-asawang subcontractor para sa cremation services na nagpatapon ng mga bangkay ng hayop­ sa Bulacan at isang hindi tukoy ang pangalan na nagbaon ng mga aso sa lupa.

Lumabas sa imbestigasyon ng NBI na kinontrata ng Cavite pet crematorium ang mag-asawa sa Bulacan para magsagawa ng cremation ng mga patay na aso at pusa subalit dahil sa rami ng ipinadalang bangkay ng hayop ay ipinatapon na lang.

Sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na paglabag sa Ecological Solid Waste Management Act at Estafa ang reklamong inihain.

May lima sa 25 complainants ang nakakumpleto ng mga dokumento kaya isinampa ang reklamo habang may Ilang complainant din aniya, ang nagsampa ng reklamo sa Philip­pine National Police (PNP) sa Bacoor, Cavite.

Kasabay nito, hiniling ng NBI kay Justice Secretary Fredderick Vida na humiling din ang NBI ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban sa tatlong indibidwal na iniimbestigahan kaugnay ng kaso.

Sa sulat na may petsang Nobyembre 5 na naka-address kay Justice Secretary Fredderick Vida, hiniling ng NBI ang ILBO laban sa pinangalanang sina  Jonathan Galaura Legaspi, Jeffrey Cuartero Haylar, at Jenina Malozo Haylar upang ma-monitor ang kanilang pagbiyahe habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Nag-ugat ang imbestigasyon ng NBI matapos matuklasan ang ilang labi ng aso at pusa na nakasilid sa plastic bags na itinapon sa San Jose del Monte noong nakaraang linggo.

Ipatatawag din ng NBI ang mga lokal na opisyal hinggil sa pag-iisyu ng permit sa pet cremation ng walang kaukulang equipment o machine.

“Bago nagkaroon ng permit may occupancy checking yan at pag crematorium mataas ang requirements dyan before you can open the facility. So, we will be looking at that, how they were issued business permits,” ani Matibag.

DOJ

NBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with