^

Metro

Scammer ng nasawing online seller timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Scammer ng nasawing online seller timbog
Batay sa imbestigasyon, nakipagkita ang biktima at ang kanyang nobya sa suspek sa isang fast-food restaurant sa Greenhills noong Nobyembre 1 para sa bentahan ng cellphone. Nag-alibi umano ang suspek na walang maparadahan kaya pinasakay ang dalawa sa kanyang SUV.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Arestado ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) ang lalaking umano’y nagpanggap na buyer at tumangay sa cellphone ng isang 23-anyos na online seller na nasawi matapos sumabit sa SUV ng suspek sa kasagsagan ng pagtakas nito mula Greenhills hanggang Ortigas. Kinilala ang biktima na si Mohammad Sheikdugar, na unang isinugod sa ospital at na-comatose bago tuluyang binawian ng buhay noong Nobyembre 3.

Batay sa imbestigasyon, nakipagkita ang biktima at ang kanyang nobya sa suspek sa isang fast-food restaurant sa Greenhills noong Nobyembre 1 para sa bentahan ng cellphone. Nag-alibi umano ang suspek na walang maparadahan kaya pinasakay ang dalawa sa kanyang SUV. Sa halip na bayaran ang cellphone, sinabi nitong sa bangko na lamang sila magbabayad, ngunit nang makarating doon ay tumanggi umano itong ibalik ang gadget at nagbanta pang may dala siyang baril.

Nang maghinala, bumaba ang biktima at hinarangan ang SUV upang mabawi ang cellphone. Gayunman, umatras ang sasakyan at nang tangkain ng suspek na tumakas, kumapit ang biktima sa gilid nito. Nagpatuloy ang takbo ng SUV hanggang sa makara­ting sa Ortigas, kung saan tuluyang nahulog ang biktima at tumama sa kalsada, habang naiwan naman ang kanyang nobya.

Natunton ang suspek at ang SUV bandang alas-6:40 ng gabi noong Nobyembre 5 sa Quezon City, matapos ang masusing imbestigasyon ng Mandaluyong City Police Station, katuwang ang Regional Intelligence Division ng NCRPO at iba pang opera­ting units. Nakatulong sa pagtukoy sa sasakyan ang pagsusuri sa mga kuha ng CCTV sa pamamagitan ng forward at backtracking operations, intelligence gathering at positibong pagkilala ng isang saksi.

Nakatakdang sampahan ang suspek ng kasong Robbery with Homicide kaugnay ng insidente.

CCTV

EPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with