VP Sara, bibiyahe sa HK mula Nov. 6-8

MANILA, Philippines — Bibiyahe si Vice President Sara Duterte sa Hong Kong mula Nobyembre 6 hanggang 8, 2026.
Ito ang inilabas na official statement ng Office of the Vice President (OVP) nitong Biyernes.
Ayon sa OVP na dadalo ang Bise Presidente sa ilang aktibidad sa Hong Kong, kabilang ang isang event na inorganisa ng Filipino Community (FilCom).
Ayon sa tanggapan, nakakuha na si Duterte ng pahintulot mula sa Regional Trial Court (RTC) ng Quezon City, Branch 98, sa pamamagitan ng isang kautusang may petsang Nobyembre 3.
Mayroon din siyang kaukulang travel authority mula sa Office of the President.
Nilinaw rin ng OVP na personal na pondo ni Duterte ang gagamitin sa kaniyang biyahe at walang anumang pondo, kagamitan o pasilidad ng pamahalaan ang gagamitin kaugnay nito.
Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye ang tanggapan hinggil sa iba pang aktibidad ng Bise Presidente sa Hong Kong.
Magpapatuloy sa Nobyembre 9 ang impeachment proceedings laban kay Duterte, kung saan inaasahang sisimulan na ng kaniyang kampo ang paghaharap ng mga testigo at ebidensiya bilang bahagi ng depensa.
- Latest















