Kampo ni Sy: Akusasyon hindi patunay ng sala
MANILA, Philippines — Iginiit ng kampo ni Joseph C. Sy na hindi siya umiwas o tumangging makipagtulungan sa Senado matapos hindi makadalo sa pagdinig noong Nobyembre 5, 2026.
Ayon kay Atty. Alma D. Fernandez-Mallonga, isinugod si Sy sa emergency room ng Makati Medical Center dahil sa karamdaman kaya hindi siya nakadalo.
Aniya, hindi dapat ituring na pagsuway sa Senado ang naturang sitwasyon at nananatili umano ang kahandaan ni Sy na sagutin ang mga lehitimong katanungan sa tamang proseso.
Pinabulaanan din ng kampo ang mga alegasyong hindi Pilipino si Sy at iginiit na nananatiling balido ang kanyang birth certificate at pasaporteng Pilipino. Binanggit din nila ang naging desisyon ng Court of Appeals na kumikilala sa kanyang birth certificate bilang prima facie evidence ng pagkamamamayan.
Itinanggi rin ng kampo ang pag-uugnay kay Sy sa espionage at sinabing wala umanong kongkretong ebidensyang nag-uugnay sa kanya sa banta sa pambansang seguridad.
“Hindi sapat ang hinala at hindi dapat hatulan ang isang tao batay sa hindi pa napatutunayang akusasyon,” ayon sa kampo ni Sy.
- Latest


















